“FINE!” napipilitang sabi ni Chase saka ito tumayo mula sa tabi ni Ariyah. “Isa na lang ang gusto kong mangyari, Audrey, kung gusto mo nang tahimik na buhay, lumayo ka sa ‘kin at lumayo ka kay Ariyah. I don’t give a fvck how far you can go basta lumayo ka.” Galit na sabi ng asawa niya. Natigilan si Audrey pero hindi naman ito nagsalita. “Once na lumapit ka o tangkain mo na namang manggulo, ako na nagsasabi sa ‘yo na may kalalagyan ka.” “N-naiintindihan ko, Chase. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko na kayo guguluhin pa.” “Chase, can I talk to her alone?” tanong ni Ariyah sa asawa at gulat namang napatingin sa kaniya si Audrey. Tiningnan muna siyang maiigi ni Chase na parang hindi ito sang-ayon sa gusto niyang mangyari. “Please…” “Okay, fine! Nandito lang ako sa labas at kung may kailan

