HABANG nasa ospital pa rin si Ariyah ay minabuti ni Chase na asikasuhin ang nangyaring aksidnete sa hotel. Hangga’t hindi niya nalalaman kung ano talaga ang totoong nangyari ay hindi siya titingil at kung may dapat na managot sisiguraduhin niyang magbabayad ang may gawa. Nasa conference room siya kasama ang mga pinsan at pinag-iisipan nilang mabuti kung ano ang dapat na gawin. “Ang totoo may mga nakausap na ‘kong mga staff mo rito sa loob ng hotel. At iisang tao lang ang itinuturo nilang lahat.” Napatingin naman siya kay Zev. “Kiko raw ang pangalan at siya ang in-charged sa paglilinis at pag-aayos ng mga chandelier dito sa hotel lalo na sa event hall mo. Kaya sa tingin ko sa kaniya tayo makakakuha ng kasagutan.” “Kung gano’n dapat mahanap natin agad siya, kung talagang hindi aksidente a

