NAPATINGIN si Zoey sa cellphone niya nang magkakasunod iyong tumunog. Nang tingnan niya ay nagsalubong ang kilay niya nang makitang si Kiko iyon. Sa pagkakaalam kasi niya ay wala na silang dapat pang pag-usapan nito. “Anong kailangan mo?” bungad niya rito nang sagutin niya ang tawag na iyon. “Ngayon ko lang nabilang ang perang ibinigay mo at ngayon ko lang nalaman na kulang pala ‘yon!” wika nito na ikinakunot naman ng noo niya. “What? Are you kidding me? Sigurado akong tama ang ibinigay ko sa ‘yo, walang labis at walang kulang!” sigaw naman niya rito. “Anong walang kulang? Eh, kulang na kulang nga!” sigaw rin nito sa kaniya kaya napatingin siya kay Zac. “Binilang mo ba ang pera bago mo nilagay sa sobre?” tanong niya sa pinsan na abala sa paglalaro sa cellphone nito. “Nope, ang sabi m

