“NAKAUSAP ko na si Fay,” usal ni Chase nang makalapit ulit sa mga pinsan. “Tinanggap ko ang offer niya na i-public ang mukha ni Zoey at Zac para mas mapabilis ang paghuli sa dalawa.” “Good!” nakangiting wika ni Zev. “Pagkakataon na lang talaga ang kailangan natin para mahuli ang dalawang ‘yon.” Pagtapos ay tumayo ito at lumapit sa mapa ng Davao na nakalatag sa harapan nila. “May roong anim na route palabas ng Davao,” usal nito at isa-isang itinuro ang mga pwedeng daanan ng mga ito. “Yes, at lahat ng mga ‘yan naman ay may check point na kaya siguradong mahihirapan pa rin silang lumabas,” sabi naman niya. “Basta sigurado lang naman na wala tayong nakaligtaan ay mahuhuli natin ‘yang mga ‘yan,” wika naman ni Jax. Lima na lang silang nandoon dahil umuwi na muna si Storm. Naiintindihan na n

