HINDI birong aksidente ang nangyari kay Zoey at Zac, pati ang mga pulis na kasama ng mga ito ay hindi naging maganda ang lagay. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang aksidente ay wala pa rin sa mga ito ang nagkakamalay. Base sa findings ng mga doctor mas malala ang lagay ni Zoey kaysa kay Zac. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalapit si Ariyah sa dalawa dahil natatakot siya na baka siya na naman ang sinisisi ng Mommy ni Zac sa nangyari. Pero alam niya na kailangan niyang harapin iyon para makita niya kung ano ba talaga ang lagay ng dalawa. “Chase, pwede mo ba ‘kong samahan?” tanong niya sa asawa na nakaupo lang sa tabi niya. “Alam ko na ‘yan,” naiiling na wika nito. “Alam mo bang kanina pa kita tinitingnan at mukhang kanina mo pa ‘yan pinag-iisipan.” “Natatakot din talaga ako,

