IT’S BEEN two weeks magmula nang mangyari ang aksidente nila Zac at Zoey. Nakalabas na rin ng ospital si Ariyah pero dahil ang advise sa kaniya ay kailangan pa rin niya ng total bed rest ay nasa bahay lang siya at si Chase ay sa bahay lang din ginagawa ang trabaho nito pati na rin ang mga meetings nito ay mas binabuti nitong i-set na lang online. Kung mayroon nga sigurong award sa best husband ay siguradong nominado si Chase o mas malamang ay makuha pa nito ang titulong iyon. Silang dalawa lang din ni Chase ang nasa bahay at dalawang katulong. Pansamantalang umuwi ng Manila ang mga magulang niya dahil may aasikasuhin pa ang mga ito pero babalik din naman agad. Lalo at nag-aalala pa rin ito sa lagay niya. “Tara kumain na muna tayo,” aya nito sa kaniya. Dahil nga hindi siya pwedeng magp

