Chapter 42

1859 Words

NANG dahil sa kahilingan ni Ariyah sa asawa ay pinasundo nito ang mga magulang niya sa Manila. Gusto niya rin namang makasama ang mga ito at gusto rin niyang makita nang mga ito ang exhibit na pinaghirapan niya. Ilang araw na lang at malapit na. Nakatulong din ang pagkaabala niya para hindi niya masyadong isipin ang kahaharapin nilang problema ni Chase nang dahil kay Audrey. “Anong gusto mong gawin ngayon, Ariyah?” salubong ang kilay na tanong ng kaniyang ina. Kasalukuyan silang naghahanda ng pagkain habang naggo-golf ang Papa niya at si Chase. May mini golf course kasing pina-setup si Chase sa bakuran mismo ng bahay nila at dahil natuwa ang Papa niya ay inaya nito si Chase. “Ariyah, tinatanong kita,” sabi ulit nito dahil hindi siya kumikibo. Naibaba naman niya ang hawak niyang mga gulay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD