X A N T I Hawak ko ang aking gitara habang kasalukuyang nagre-rehearse ng pangalawang kantang ipe-perform ko mamayang gabi. Ilang sandali pa ay natapos na rin ito. Isa pang kanta at buo na ang tatlong performance ko. Iyon nga lang at hindi pa ako nakakapili ng isa pang kantang tutugtugin ko sa gitara. Marami na rin kasi akong na-kanta sa isang buwan at kalahati kong pananatili rito sa Isla Rivas. Magiging boring naman kung uulit ako ng kantang na-perform ko na, 'diba? Sa pag-iisip, sumagi sa isip ko si Art. Takte, ka-tanghaliang tapat tapos siya 'yong nasa isip ko? Actually, kagabi pa. Iniisip ko kasi kung tama ba na hinayaan ko 'yong sarili ko na tanggapin 'yong usapan namin kahapon. Ang sabi niya kasi, ayaw niyang mawala 'yong friendship naming dalawa. Gano'n rin naman ako. Kaya p

