X A N T I MAKALIPAS ang dalawang oras, nagpasya na kaming magpaalam sa bagong kasal na sina Lando at Airin. Nauna na ako sa labas habang hinihintay sila Art at Kaitlyn. Napa-kwento pa yata sila before really leaving there. Art decided to leave because of his cat, Miming. Hindi pa raw kasi ito kumakain simula noong umalis siya. It's a little bit funny na sobra 'yong concern niya sa alaga niyang pusa but at the same time, nakakatuwa rin na he really loves his pet. I was just standing outside and patiently waiting for them. Then suddenly, I saw Kaitlyn. Palabas na siya and she's literally walking na para bang isa itong modelo with her fiercest look. Obviously, her eyes are pointing me. Para siyang predator na lalapit sa prey niya. "Talagang nagdala ka pa ng gitara at dito kumanta, ano?

