X A N T I MINSAN talaga, may mga araw na parang gusto mo nalang lumipas at matapos agad. Katulad ngayon, day-off ko sa trabaho. Hindi ko kailangan maghanap ng bagong kakantahin o bagong pa-praktisin sa gitara ko. Wala rin akong dahilan para magpuyat mamaya. Meaning, libre ang araw na 'to ngayon para sa akin. I can rest as long as I want. Kaso...my body's feeling well naman. Hindi naman ako pagod at puyat dahil kahapon 'yong unang day-off ko. Nakapagpahinga naman na ako nang mahaba kagabi. Siguro alas nwebe pa lang, humihilik na ako. Ten hours rin akong natulog. I gained enough energy and strength na pwede kong gamitin sa kung anong pwede kong gawin ngayon. The thing is, wala naman akong maisip na gawain. I already ate my breakfast at nakapag-kape na rin ako kanina. I watched some TV s

