I was forced to have a one week leave after what happened yesterday. Hindi naman kailangan but King insisted. Para akong may malubhang sakit kung mag alala sa akin. Natuwa na rin ako dahil darating ang Pasko na nakabakasyon ako. Dahil nga wala naman akong pasok, pinagbakasyon ko muna ang nurse ni Daddy. Ayaw pa nga nito noong una dahil noong nakaraan daw ay sigaw ito nang sigaw at hinahanap ako. Siguro ay naalala na naman niya ang nangyari sa kanya dati. I took a deep breath before I entered his room. Kapag ganitong nasa hindi siya magandang lagay ay nag aalala ako ng sobra. Naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang wheel chair habang may kakwentuhan. It was King. "Oh, you're here." I said while smiling. Biglang napalitan ng tuwa ang kaninang pag aalala ko. "Yes, my Queen. Namimiss ko

