My body was fully adjusted in my everyday work at the airport. Hindi ko na nga nararamdaman ang jet lag. Masasabi kong gamay ko na ang trabaho.
May ilan lang na stewardess ang hindi ko kasundo. Bukod kasi sa maaarte sila eh, pakyu silang talaga. Masyado silang nagmamaganda at nag fi-feeling magaling. Kasi naman itong si Luhan, hindi ko magetsung. May time na bakla siya ngunit mas lamang ang pag arte niya na lalaki siya kapag may bagong stewardess. Joke lang naman daw iyon, kumbaga nag papa-fall lang si tanga.
Iyon ang dahilan kung bakit naiinis sa akin ang sambayanang malalandi rito. Dikit daw kasi ako nang dikit kay Luhan. Patay na patay pa rin ang mga kerengkeng kahit na bayot siya.
"Beshy, bakit naman hindi mo ako sinamahang mag-lunch kanina?" nagtatampong tanong nito.
Imbis na sumagot ay pinaikutan ko lamang ito ng mata. Sinadya ko talagang hindi sumabay sa kanya dahil nauumay na ako sa mga babaeng naiinis sa akin. Konti na lang kasi ay masasabunutan ko na sila. Maigi na lamang at bukod sa kanya ay mayroon akong iba pang naging kaibigang babae - si Sinag.
"Umiiwas lang si Kisses sa away, Luhan. Ang gwapo mo kasi. Saka friendship over na raw ka'yo kasi nandito na ako," masungit na sabi nito sa kanya. Napangisi ako. Kung sa kamalditahan lang ay mas maldita itong si Sinag. Maangas siya at matapang. May memo na nga ito agad dahil nakipagsabunutan siya noong nakaraan sa isa sa mga kasamahan namin dito.
"Grabe kayo sa akin. Nakaka hurt kayo ng feelings," sabi nito na kunwaring nagpapahid ng luha.
"Ang hilig mo kasing mag switch ng katauhan. Hindi na nga kita mainitindihan minsan," reklamo ko rito. "Kapag talong, talong lang. Hindi iyong bigla kang magtataksil tapos lilipat ka sa mani." I said while smiling. Pinanlakihan ako nito ng mata.
"Oh my God! Kisses! Iyang bunganga mo, parang hindi ka babae, pati ikaw Sinag I heard you talking dirty things with Arthur last night. Eww," he said while his hands are covering his ears. Nakangiwi pa ang mukha nito na tila nandidiri. Pero sa totoo lang, nagdududa talaga ako dito kay Luhan. Parang may tinatago siya sa amin.
"We may have a foul-mouth like a fuckboy mouth has but we're still girls and we are loyal to c***s, eh ikaw bakla?" mariing tanong ni Sinag. Pinaningkitan niya pa ito ng mata.
Nagiwas ng tingin si Luhan dito. I have a feeling that Sinag knew something I don't know about him.
"Of course, I am loyal. I love cocks." Luhan said. He even flipped his very short hair.
"Oo nga naman, Sinag. I saw her making out with Jacob yesterday," I giggled. Nahuli ko sila noong isang araw malapit sa cr. They were kissing. Hindi nga nila alam na napadaan kami ni Princess.
"Really?" she asked. I nodded. "Talaga ba? Kaya pala nakita ko kayo ni Princess kahapon sa lockers room. You were kissing.. "
"Hala! You kissed Princess? Lalaki ka na?" hindi makapaniwala kong tanong.
"H-Hindi no," tanggi nito.
"Sige nga, bj kita. Kapag tumigas ibig sabihin lalaki ka na," I was laughing. Pulang-pula siya.
"You two, shut up," he hissed. Biglang naging lalaki ang boses nito. "Be careful on what you guys are saying, or else.."
"Or else what?" naghahamong tanong ni Sinag. "Admit it Luhan. I saw you. I saw how you lick.." hindi na naituloy nito ang sasabihin dahil bigla siyang hinalikan ni Luhan.
Napahawak ako sa aking bibig. Para akong nanunuod ng live show - No. I really am on a live show. Sinag was kissing him back while Luhan's eyes are closed. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sinag was smiling in the middle of the kiss, kinindatan pa nga ako nito.
Naputol ang kalandian nila nang may biglang humila kay Luhan, it was Dranrei. Madilim ang mukha nitong tiningnan siya bago binigyan ng malakas na suntok. Napasinghap ako. Kanina porn iyong palabas tapos ngayon action na. Popcorn na lang talaga.
Napasigaw si Sinag dahil nagpapalitan na sila ng suntok ni Luhan. I saw blood on their faces. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. My knees were shaking hanggang sa makaramdam ako ng hilo.
Mariin akong napapikit, kasunod niyon ay ang pagtulo ng aking luha.
"Kisses!" Sinag called me. Mabilis niya akong nasalo bago pa ako bumagsak. "Are you okay?" she asked in a worried tone. "May phobia ka ba sa dugo? Namumutla ka."
"No. M-May naalala lang ako."
Sa gilid ng aking mata ay nakikita ko pa ring nagpapalitan ng suntok ang dalawang lalaki.
"Hoy mga, f**k boy! Tulungan niyo nga muna ako rito. Mamaya na kayo magsuntukan!" galit na hiyaw nito. Mabilis na sumunod ang dalawa at lumapit sa amin. Luhan carried me until we reached the clinic.
The nurse checked my vital signs. Wala namang masakit sa akin. Ayoko lang talagang nakakakita ng ganoong eksena. May madilim na ala-ala ako sa ganoong pangyayari.
I closed my eyes and there, I saw my Dad with a two heartless man torturing him. The man with a long black hair was punching my Dad's face. Nakatago ako sa ilalim ng lamesa. I was silently crying. Nanginginig ang aking katawan sa takot. Iyong isang lalaki naman ay abala sa isang hugis parisukat na bakal na napupuluputan ng mahabang kable. Lalo akong natakot. My Daddy might die with that thing.
Tumakbo ako papalapit sa kanila. I need to save my father. Siya na lang ang mayroon ako. Hindi ko na kakayanin pa kung pati ang Daddy ko ay mawawala.
"Dad, Daddy. Maawa po kayo sa Daddy ko," pagmamakaawa ko sa mga ito. Ngunit tila hangin lang ako na hindi nila nakikita at naririnig. Puro dugo ang mukha ng Daddy ko. Pero kahit ganoon ay nakuha niya pang ngumiti sa akin.
Bago ko pa man siya mahawakan ay dumaiti na sa kanyang katawan ang dalawang matatabang kable na may dalang libo-libong boltahe ng kuryente.
"Dad!" I shouted with tears. Nakakabingi ang kanyang sigaw na punong puno ng sakit. He doesn't deserve these. He's a good man.
Mga hayop sila!
Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Hanggang sa ang malagim na pangyayari ay biglang nawala.
Puting kisame ang sumalubong sa aking paningin.
"Thank God! It was a dream," I whispered. Basang basa ang aking mukha nang pinaghalong luha at pawis.
"Yes, my Queen. It's just a dream." It was King. Tuluyan na akong napahagulgol.