"Good morning world," masayang bati ko na may kasamang pagtaas ng kamay. Ang saya-saya ko kasing natulog kagabi. Napanaginipan ko si King na hinahalikan ako.
Sally look at me with amusement on her face. Nakangiti ito habang kumakain.
"Ateng ha, naiinis na ako sa'yo. Ikaw may love life na, ako waley pa din."
Umupo ako sa kanyang tabi. Nilagyan ko ng mainit na tubig ang aking baso at nagtimpla ng kape.
"Hindi pa kami ano. Ligawan niya muna akong fuckboy siya. Anong akala niya sa akin? Easy to get?" kinikilig na sabi ko. Itinaas ko ang aking isang paa at nangahalumbaba habang hinahalo ang aking kape. "Hay. Grabe, Sally, alam mo ba kahapon pumunta kami ng Japan para lang kumain ng ramen. Ang sweet-sweet niya Sally."
"OMG! Tunay, Ate? Mukhang seryosong seryoso sa'yo si kuya King, ah. Saka seryosong seryoso ka sa paghahalo ng kape mo gamit iyang suklay mo. May kuto-kuto na iyan mamaya," sabi nito na tila kinikilabutan.
Nalukot ang mukha ko nang makita ang suklay sa aking baso. Nakakawala ng sarili ang kilig na hatid sa akin ni King. Tumayo ako at itinapon ang kape sa lababo. Magtitimpla na lamang ako ulit. Pagbalik ko ay suot na ni Sally iyong costume ko last halloween party.
"Oh? May party kayo? masyadong mahaba sa'yo yan. Putulan natin, tatahian ko na lang."
"Oo, Ate. Huwag na. Bibili na lang ako ng costume sa Quiapo. Effort-an natin kasi malaki ang premyo. Seventy thousand pesos." Napapalakpak ito sa excitement. Malaki nga naman kasi ang grand price.
"Sige sasamahan kita. Saka magpahula tayo Sally. May magaling manghula roon, si Madam Bully. Gusto ko kasing malaman kung kami nga talaga ni King ang para sa isa't isa." Wala namang mawawala 'diba?
Kontra man si Sally sa gusto kong pagpapahula ay wala mama siyang magagawa. Hindi naman daw iyon totoo.
Mainit na masyado ang araw nang marating namin ang Quiapo. Nagsimba muna kami at humalik sa paa ng Nazareno. Noong estudyante pa lamang ako ay madalas ako rito dahil malapit ito sa Recto kung saan ako bumibili ng mga murang libro.
"Ateng, tara tokneneng tayo. Namiss ko iyon."
Hinila ako ni Sally sa may nagtitinda ng tokneneng. Ngiting-ngiti ito habang kumakain noon.
"Bakit hindi ka kumakain? Paborito natin ito 'diba?" takang tanong nito sa akin.
"Pass muna ako. Tiis-tiis, alam mo na."
Inirapan ako nito at ngumuya ulit.
"Ikaw, Ateng ha. Masyado kang sumusunod diyan sa gusto ng manliligaw mo. Hindi na ikaw 'yan. Pwede namang maging barubal pa minsan-minsan."
"Hindi naman. Umiiwas lang ako sa temptation." Simpleng sabi ko.
May kung anong kumurot sa aking puso sa sinabing iyon ni Sally. Wala namang nagbago sa akin. Gusto ko lang bumagay sa mundo ni King.
Hanggang ngayon ay nag-aaral pa rin ako ng proper etiquette chenelyn. Kailangan ko raw kasi iyon sabi ni Miss Hershey. Galawgaw daw kasi masyado ako kumilos. Pati nga ang pagsasalita ng pino ay pinag aaralan ko. Maarte raw kasi iyong daddy ni King pagdating sa mga empleyado. Gusto lahat ng kanyang staff ay good looking, smart at finesse kumilos. Lalo na ngayon at nililigawan ako ng anak niya. Gusto ko rin namang magustuhan niya ako.
Matapos niyang kumain ay dumiretso na kami sa bilihan ng mga halloween costume. Binaybay namin ang Avenida dahil dito maraming nagtitinda noon. Mabilis kaming nakabili ng damit dahil payat naman ito. Hindi ko alam kung damit bang matatawag iyon dahil kulang na kulang ang tela. Pink bunny costume ang tawag doon ni Sally.
Umikot kami pabalik ng simbahan upang magpahula na. Hindi kami nahirapang matunton ito dahil agaw pansin ang pwesto nito. Nababalot kasi ito ng makukulay na palamuti at disenyo. Huling punta ko dito ay noong isang taon. Nagpahula ako kung makakatapos ba ako. Tama naman ang kanyang hula kaya ito ako ngayon nagbabakasakali ulit para naman sa love life status ko.
Imbis na si Madam Bully ang makita ko ay isang magandang babae ang aming nadatnan. Napakaamo ng kanyang mukha. Anak siguro niya ito.
"Magandang tanghali po, magpapahula po ako," magalang na sabi ko rito. "Nandiyan po ba si Madam Bully?"
"Ay, nothing in here. She's out of town finding nemo. You know, nag b***h. Hiniram ko muna itong pwesto niya dahil nasira iyong akin. Sitting down please," nakangiting wika nito.
"Ateng, manghuhula ba talaga iyan? Model yata iyan. Tingnan mo, ang ganda-ganda," bulong ni Sally sa akin. Tama naman siya, ang ganda nitong babaeng aming kaharap.
Pinunasan niya ang kanyang bolang kristal at pumikit sandali. May kung anong salita siyang ibinubulong na hindi ko maintindihan.
Pagkamulat ay hiningi nito ang aking kamay.
"Iha, anong ipapahula mo?" seryoso nitong tanong.
"Gusto ko lang po malaman kung magkakatuluyan kami noong manliligaw ko ngayon. Matagal ko na po siyang kaibigan bago pa man siya umamin ng feelings sa'kin. I just want to be sure if that's gonna lasts Madam?"
"Dria," sagot nito.
"Madam Dria, sasagutin ko po ba siya o hindi?"
Mariin nitong tiningnan ang aking kamay na tila may binabasa. Pumikit itong muli at hinimas himas ang kanyang bolang crystal. Ilang sandali lang ay nakangiti itong bumaling sa akin.
"Isa siyang hari. Haring labis na bibihag ng iyong puso. Ngunit kalakip ng pagmamahal na iyon ay labis na sakit din ang ihahatid nito sa'yo."
Lahat naman ng nagmamahal ay nasasaktan.
Pinapili niya ako ng baraha. King and Queen of hearts and lumabas.
"Magiging kayo," saad nito kaya napangiti ako. "Kung magtitiwala ka sa kanya." Of course I will trust him with all my heart.
"King ang kanyang pangalan?" tanong ulit nito. Pinapahanga ako nitong si Madam Dria.
"Paano niyo nalaman?"
"Hula nga, eh. Stupidness naman is you," she rolled her eyes on me. Nanlaki ang mga mata ko. Mabuti na lang at good mood ako ngayon.
Patuloy pa rin siya sa paghimas sa bola. Sa pagkakataong ito ay nag-iba ang kanyang hitsura. Bigla itong namula at nagkaroon ng butil butil na pawis sa noo.
"Mmmasarap," sabi nito. Bigla akong naguluhan. Anong sinasabi niyang masarap?
"Masarap siyang mag..mahal," dugtong nito. Napa "ah" na lang ako.
"Ayan na.. " wika nito ulit. Nagkatinginan kami ni Sally. "Ma..lapit na.. " her head were spinning slowly. Para siyang sinasabihan ng kung ano.
"Madam Dria, okay lang po kayo?" nag aalalang tanong ko.
"Oo. Pasensiya na. Ibig kong sabihin malapit mo na siyang...ohhhh.. "
What the hell? Para siyang nag o-orgasm. Saglit na nanginig ang kanyang katawan. Si Sally ay nagpipigil ng tawa sa gilid ko. I don't know what to react pero para kasi siyang nasa middle ng love making. Feeling ko nga iyong kristal niya ay mababasag na.
"s**t! ang sherep," she said while smiling from ear to ear. "Ang sherep mong hulaan. Congratulations to you. Always take care and wear panty everyday," malanding sabi nito.
I gave him a hundred peso pero hindi niya iyon tinanggap. She just smiled and hold my hand.
"Queen," tawag nito sa'kin bago pa kami makalayo. Nilingon ko ito at nginitian. "Huwag mong kalilimutan ang sinabi ko. Hindi lahat ng nauunawaan mo ay totoo at hindi lahat ng akala mong kasinungalingan ay mali. Magtiwala ka lamang sa kanya."
I just nodded and left. Hindi ko maintindihan kung anong eksaktong ibig niyang sabihin. That woman is really something.
Hapon na kami nakauwi ng bahay. Pagod na pagod kaming dalawa ni Sally. Naabutan kong nakaupo si Daddy habang kinakausap ng kanyang nurse. I saw Daddy smiling. Mukhang magkasundo silang dalawa.
My mouth parted when I entered my room. Punong puno ito ng balloons sa kisame. Rose petals are on the floor. Pati ang kama ko ang may patong-patong na Teddy bear. Ang isang bahagi ng pader ay may mga pictures namin ni King.
The first one was our first meeting, I was holding a bouquet of flowers with my crown. Katabi ko siya doon. The second one was at Cafe 1771, our first date. All our firsts was posted there. Our first trip together, first birthday naming pareho at iyong first time na punta niya rito sa bahay.
I felt my knees trembling. Halo-halo iyong feelings. Tuwa, kilig and love? Am I already in love with him?
Ibinagsak ko ang aking katawan sa kamang punong-puno ng teddy bear. I smell a familiar scent. May biglang yumakap sa aking bewang. I knew it. He's here.
"Surprise," he sweetly whisper in my ear.
I can't hide my happiness anymore. Napaiyak na lang ako bigla.
"H-Hey! Why are you crying? 'Di mo ba nagustuhan?"
He rolled until he got on top of me and kiss my temple. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko.
"Tears of joy, I guess." I chuckled. "Thank you, you made me happy today." I hugged him tight.
"I'll make you happy everyday, my Queen." Pinagdikit ko ang mga ilong at noo namin. Ang sarap-sarap niyang tingnan.
"Baka matunaw ako niyan," tudyo nito sa akin. "In-love ka na siguro sa'kin ano?"
"Malapit na,' I winked at him. He just giggled and kissed me again.