Chapter 11

1021 Words
"Welcome to, Japan!" eksaheradang bati ng isang maganda at matangkad na babae. Dinig na dinig ang kanyang boses sa buong airport. Para siyang anghel na bumaba galing kalangitan. Her eyes were glowing with beauty and happiness. Pabuka-bukaka siyang tumakbo papunta sa gawi namin ni King na parang unggoy. Nakakatuwa siya.  Tinalon niya si King at mabilis itong hinalikan sa pisngi. "I missed you, Kuya," malambing na bati nito. Kaya pala pareho sila ng mga mata ni King, kapatid niya pala ito. Sa ibang bansa kasi ito lumaki kaya ngayon ko lang nakita.  "I missed you too, Princess," King hugged her back. Kita sa mga mata nito ang kasabikang makita ang kapatid.  "Nakakatampo ka, kung hindi pa nag wish si Ate Kisses ng ramen hindi mo'ko dadalawin," nakangusong sabi nito habang nakahilig ang mukha sa braso ng kanyang kuya.  "Sino ba kasing may sabi sa'yo na pumunta ka rito?"  "This is the place where Luhan and I first met, alam mo namang mahal na mahal ko iyon."  Nagulat ako sa kanyang sinabi. Si Luhan at siya? Magkakilala? Mahal niya ang baklang iyon? Napakamalas naman niyang tunay. Eh, mas malantod pa iyon sa kanya.  "Iyon lang ba ang dahilan kung bakit ka nandito?" inis na tanong ni King. "Nandoon na iyon sa Pilipinas, umaarte. Umuwi ka na, sumabay ka na sa amin bukas."  "No. Hindi pa ako uuwi. May hinahanap pa ako rito. Uuwi lang ako roon kapag nahanap ko na iyon," may ningning sa mga mata nitong sambit.  "Stop being childish, Princess, ginagago ka lang noon," pinaikutan siya ng mata ng kapatid. Bumaling sa akin si King at ngumiti. From galit to landi real quick. "My Queen, this is Princess Maori Davis my younger sister, she's an etiquette specialist in the Philippines," pakilala nito sa akin. Lumapit sa akin si Princess at hinalikan ako sa pisngi.  "Ate, huwag mong sasagutin iyang kuya ko ah. Perfectionist iyan, para 'yang si Daddy," pabirong sabi nito. Siya naman ang inirapan ni King.  Our supposed to be alone date ay nauwi sa group date. Dinala kami ni Princess sa Fukuoka. Kilala ang lugar na iyon dahil sa masasarap nilang ramen.  Kinuha ko ang kanyang kamay at pinisil ito. I was smiling, ang saya-saya ko ngayon.  "Thank you," I told him.  "You're welcome. Anything for you, my Queen," he sincerely said.  We also went to different Daiso stores. Dollar store ang tawag nila no'n dito. Wala namang pinagkaiba sa mga produkto sa Pilipinas. Iyong mga kutsilyo nila sing lambot ni Luhan. I grabbed some candies for Sally, mahilig kasi iyon sa matamis. Samantalang si King and Princess naman ay kuha din nang kuha ng kung anu-ano. I enjoyed this trip a lot. Minsan ay napapatingin ako kay King. He's really sweet. I didn't imagine na ganito pala siya mag effort.  Ngunit tinitimbang ko pa rin ang nararamdaman ko. I wanted to show him what I'm feeling right now pero pinipigilan ko. Natatakot kasi akong magtiwala. I have trust issues because of what happened to my family.  Palagi akong in doubt. I am not giving my hundred percent in everything. Palaging urong sulong, madalas may takot.  Inilagay ni Princess ang dalawang basket sa may counter. Kung paano niyang nabuhat iyon ay hindi ko alam. Ngingiti ngiti niyang nilingon si King.  "Kuya, cash or card daw?" balewala nitong tanong.  "What?" he exclaimed.  "Ate, o ang damot," sumbong sa akin ni Princess. Natawa na lang ako.  Labag sa loob na binigay ni King ang card niya. Isinabay na rin niya iyong akin. I gave him money pero tinanggihan niya iyon. Bawas pogi points daw kaya hinayaan ko na.  His phone rang kaya nag excuse siya sa amin. Umupo muna kami ni Princess sa may bench. Nakakapagod mamili.  "Ate, mahal mo ba ang kuya ko?" biglang tanong nito. I was caught off guard. I don't know what to answer.  "I'm getting there, Princess. Alam mo naman siguro na matagal na kaming magkaibigan. I am weighing things. I know how playboy he was. But I can't deny that I'm starting to like him. Nakakapanibago pa lang talaga. Parang dito tayo ngayon, na cu-culture shock."  Tumango siya na tila ba naunawaan ang mga nasambit ko.  "Sana ganyan din si Luhan. I love him, Ate. Kahit na ganon na siya ngayon. I love him since I was a kid. Minsan nakakapagod nang maghabol. Pero lagi ko na lang iniisip na isang araw mare-realize din niyang mahal na niya ako." I saw in her face how she truly loves Luhan. Ang hirap ng unrequited love story.  Princess is like a breathe of fresh air. Ang gaan-gaan niyang kasama. Palagi siyang nagku-kwento at nagpapatawa. Hindi siya mahirap mahalin. Sana makita iyon ni Luhan.  Ilang sandali pa ay nakabalik na si King. Napapahilot ito ng sentido. Sa klase ng mukha niya ay alam kong may problema.  "Ayos ka lang?"  "Hindi masyado. Daddy called, we need to go back to the Philippines now. I'm sorry, dapat sana ay bukas pa para makapamasyal ka pa ulit," malungkot nitong saad.  "Ayos lang," sabi ko naman. Madaling araw na dumating ang private plane ni King. Sinubukan nitong isama pauwi si Princess pero hindi ito nagtagumpay. She gave me a letter na pinapabigay niya kay Luhan.  Alas nuebe ng umaga na kami nakarating ng Pilipinas. Iyong maliit na paper bag na binili ko para kay Sally ay nadagdagan ng lima. Para sa akin din pala iyong pinamili niya kanina. "Pakisabi kay tito hindi na ako papasok sa loob. Don't worry, I'll talk to him the day after tomorrow."  "Sige. Matulog ka muna bago pumunta doon, mag iingat ka. Thank you ulit." I was about to step out of his car nang may naalala akong nakalimutan na gawin.  I leaned closed to him and kissed his cheeks. Bigla siyang pinamulahan. Thirty seconds yata siyang nakatitig sa akin habang nakanganga.  "Hoy! Ano ka na riyan?" natatawa kong sambit.  Hinimas niya ang kanyang pisngi at ibinalik ang tingin sa akin.  "You kissed me?" hindi makapaniwala nitong tanong. Ang lawak ng kanyang ngiti.  "Yes, I kissed you. Ano ngayon?" "Ano kasi."  "Ano?" tanong ko ulit.  "Kinikilig ako."  I let out a hearty laugh. He's so cute.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD