Chapter 10

1100 Words
Eyebag is life ako ngayong araw na ito. Ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa sinabi ni King. Mahirap paniwalaan ang isang lalaking may mabulaklak na dila. Hindi rin lingid sa aking kaalaman na isa siyang notorious womanizer. Kung kaso nga lang iyon ay matagal na siyang nakakulong.  Nakakainis na kahit alam ko sa aking sarili na nagugustuhan ko na siya ay may kaunting puwang pa rin sa aking isip nang pag-aalinlangan. Baka libog niya lang 'yon o baka attraction lang kasi nga ang ganda-ganda ko. Pero mali naman 'yon kung sa akin niya iyon maramdaman. We've been friends for five years. Kung meron talaga siyang pagtingin sa akin dapat ay noon pa. Unless, may gagawin siyang hindi niya pa nagagawa ever sa mga babae niya. Iyon ay ang dapat pinaghihirapan ang babae, hindi pinapahirapan.  "Ate, nakainom na po ng gamot ang Daddy ninyo," basag ni Hanna sa aking pag mumuni-muni. Siya iyong nurse na ipinadala ni King para mag-alaga sa Daddy ko. Bigla na lang siyang sumulpot sa pinto ng bahay noong nakaraang araw.  Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko na ginawa dahil ito talaga ang kailangan ko ngayon, ang mag aalaga sa Daddy ko dahil busy na sa thesis si Sally. Maigi na nga lang at malapit lang sa airport itong apartment namin kaya hindi ko na kailangan pang bumukod. Nasa contract kasi na kailangan malapit lang ang tinitirhan sa airport kaya nasa benefits nila ang free lodging. Today will be the company's halloween party. Nagsuot lang ako ng full black na tela with matching kalawit ni kamatayan. Magsusuot ako ng mascara para hindi ako makilala ni King. Hindi ko talaga siya kayang harapin sa ngayon. Nag-iinit ang pisngi ko kapag nasisilayan ko siya at sumisirko ang aking puso sa tuwa. I need to be careful of what I am feeling right now. Sa klase niya ay siguradong masasaktan ako nito.  "Beshy, bakit naman ganyan ang outfit mo? Para kang furniture na tinakluban dahil magma-migrate ang may-ari," bulong sa akin ni Luhan.  "Kesa naman sa suot mo, feeling mo ikinaganda mo iyan? Mukha kang poklay," ismid ko rito. Nakasuot kasi siya ng school uniform ng mga japanese na sobrang igsi. Tapos may pakuyukot si Mayor. Konting tuwad lang makikita mo na si Dora. Pero infairness dito kay bakla, maganda pa sa akin kung naging babae ito. Hindi ko nga siya nakilala.  "Anong poklay?" "Pokpok na may lawit," sagot ko na nakapagpangiwi ng kanyang mukha.  Hindi ko na nawawaan ang takbo ng naging party dahil napapapikit ako at paminsang nayuyuko ang ulo sa antok. Kahit nga si King na nakaupo sa harapan ay hindi ko nakuhang pansinin.  Pagkatapos ng kainan at nang ma-i-announced ang panalo sa best in costume ay nagpulasan na ang lahat dahil may kanya-kanyang flight ang bawat taong nandoon.  I'm on my way to the locker area when someone grabbed my arm. Amoy pa lang ay alam ko na kung sino iyon.  "Sir, bakit po? Huwag po," sabi ko sa kunwaring natatakot na tinig. Medyo pinaliit ko rin ang aking boses para hindi ako nito makilala.  "You think you can hide from me, my Queen?" he whispered in my ear. Kakaibang kilabot ang hatid nito.  "Anak ka ng tokwa. Paano mo nalamang ako ito? Hindi na nga ako nagpakita ng mukha eh."  "Kilala ka ng puso ko kahit anong tago mo sa sarili mo," humalukipkip siya at humarap sa akin. "So, I'm right, tinataguan mo nga ako," saad niya na may himig ng pagtatampo.  Tinanggal ko ang aking mascara at pinunasan ang aking pawis. Kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa at pumunta sa gawing likod ko. Iniangat niya ng kaunti ang blouse ko at pinunasan din ito. Paanong hindi ka mahuhulog sa taong ito. "Bakit ka ba kasi nagsuot ng table cloth. Pawis na pawis ka tuloy," ingos nito.  "Tanga, hindi iyan table cloth. Kobre kama ko 'yan. Para hindi mo'ko makilala kasi you're making me harot," reklamo ko.  Hinubad ko na nang tuluyan ang aking costume. Itinupi ko na ito bago ko pa maisaklob sa mukha niya.  "I really like you. Bakit ba ayaw mong maniwala?"  "Nako, King ina. Don't me ha! Kahit nasa hukay na ang Mommy ko at paralisado ang Daddy ko, strict ang mga iyon. Saka hindi mo'ko makukuha sa pag te-take advantage mo riyan."  Biglang may lungkot na bumalatay sa kanyang mukha. Na offend ko yata siya. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. First impressions lasts ika nga. Malandi siya at first kaya ganoon na siya hanggang last. 'Di bale sana kung ako lang nilalandi niya noon pa, eh ang dami namin.  "Sorry, I just want you to feel that I..Okay, I'll court you. Kahit 'di ako marunong, I'll try. I'll do anything. Patutunayan kong totoo ang mga pinapakita at pinaparamdam ko sa'yo," madamdamin nitong pahayag.  Napangiti ako sa kanyang winika. Sa pagkakaalam ko ay wala pa siyang niligawang kahit na sino. Hindi naman kasi siya marunong noon. Dinadaan niya palagi sa santong paspasan. Sa kama niya pinapaspasan.  I pinched his cheeks dahil sa sobrang tuwa.  "Sabi mo 'yan ha? Manliligaw ka? Magpaalam ka sa Daddy ko saka kay Sally," humahagikhik na sabi ko. "Diba kapag nanliligaw nag de-date? Oh kaya dinadalhan ng chocolates? Ayoko ng tsokolate, hindi ako mahilig sa matamis. I want ramen and tempura."  "Wow. Bigyan na lang kaya kita ng pera tapos ikaw na lang bumili. Paano ka pa kikiligin sa panliligaw ko? Hindi pwedeng surprise?"  "Nagrereklamo ka ba?" taas kilay kong tanong.  Nagkamot siya ng ulo at mabilis na umiling. Ang cute niya, under-in ko talaga ito kapag naging kami na. Napapabungisngis ako sa aking isipan.  Mabilis siyang nagpaalam pagkatapos ng aming usapan dahil may hahabulin daw itong flight. Nag-ayos na rin ako dahil isang oras na lang ay flight ko na. Muntik pa akong matapilok dahil sa pagmamadali. Hingal akong nakatuntong ng eroplano.  Nagsalubong ang aking kilay nang makitang wala pang mga pasahero. Late na nga ako kung tutuusin. Nagpalinga-linga ako sa regular passengers area, wala talaga kahit isa.  Tinuloy ko ang aking lakad hanggang sa makarating ng vip area. At ganoon na lang ang pagkalito ko nang makita ko nandoon si King na nakaupo malapit sa bintana.  "A-anong ginagawa mo rito?" litong tanong ko.  "We're going to Japan, my Queen," sabi nito sabay kindat.  Lalo lang nadagdagan ang kalituhan ko. Ang alam ko ay Abu Dhabi ang destination country namin ngayon. At wala siya sa list of passengers.  "At anong gagawin natin sa Japan?"  He grinned mischievously.  "We're going to have your ramen. I told you, I'll do anything for you." Ay, bakit naman ginalingan ng gano'n?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD