Chapter 9

1241 Words
  "Kisses, ang ganda naman ng lipstick mo," napangiwi ako nang magsalita si Luhan - siya iyong pilot na makakasama ko sa aking first flight. He was my highschool classmate. Gwapo siya at matipuno ang katawan. I adore smart man kaya naging crush ko siya. Hindi ko akalaing magiging kalahi niya si Bibi Gandang Hari. Sayang talaga. "Tigilan mo nga ako, Luhan. Kinikilabutan ako kapag nagsasalita ka. Crush pa man din kita noong high school tayo."  "Arte naman nito. So ngayon 'di mo na'ko crush? Turn off ka na niyan?" malanding tanong niya.  "Kanina, noong hindi ka pa nagsasalita crush pa kita." Pabiro ko siyang binatukan. Siya naman ay inirapan ako at tinuloy ang pag higop ng kape. Three hours pa naman ang hihintayin namin para sa flight going to Singapore and I'm so excited. First time ko sa international flight.  Habang naghihintay ay nagkwentuhan muna kami tungkol sa mga kaganapan sa buhay namin after high school. Tawa ako nang tawa sa bawat gay language na binibitawan niya. Baklang bakla na talaga ito. Pati pag chuchukchakan nila ng jowa niya ay kinuwento niya sa akin. Like ewww, too much information.  Natigil ang chikahan namin nang biglang may tumikhim sa aking likuran. Mabilis na tumayo si Luhan para batiin ang taong iyon.  "Good morning, Mister Davis," sabi niya sa panlalaking tinig. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ito. Nang ipihit ko ang aking ulo ay si King ang nakita ko. Pormal ko siyang binati.  "Good morning, Mister Davis, I'm Queen Kisses Milan, I'm the new flight attendant," pakilala ko. Bahagya pa akong yumuko tanda ng pagbibigay galang. May usapan kaming aarte kaming hindi kami magkakilala. Tipid na 'good morning' lang ang binigay niya sa akin.  He raised her left brow at me. Alam ko kung kailan mainit ang kanyang ulo. Tinapunan niya ng matalim na tingin si Luhan. Iyong tingin niyang gano'n ay nagpalipat lipat sa aming dalawa. Ang sarap tusukin ng toothpick.  "This is a cafeteria not a dating place. Aware naman siguro kayo na bawal ang employees romance dito, right?" masungit niyang tanong.  Iginala ko ang aking paningin sa loob ng cafeteria. Kami lang ang tao at ang isang bantay sa counter na busy sa pakikipagusap sa telepono. Hindi siya mapapahiya kung mag bi-b***h mode on ako ngayon.  "So anong ibig mong sabihin? malandi ako gano'n? Na sinadya kong pumunta rito sa cafeteria niyong ginto ang pagkain para lang makipagkuringgian? Hoy King, hindi e-epek sa akin iyang ni-donate na ugali ng Daddy mo sa'yo. Kahit kailan, kahit sino at kahit sa anong pagkakataon, I won't obey people na huhusga sa pagkatao ko." I saw her adams apple moved. Akala niya siguro hindi ko siya susuwagin. Kung hindi ako pina-banned ni Panot, wala sana ako dito. "And you're not an axception, King Mikael Davis. Let's go, Luhan." Hinila ko siya palabas ng cafeteria. Kapag sinuswerte ka nga naman. Kung sino pa iyong taong inaasahan mong aalalay sa'yo sa unang araw ng trabaho mo, siya pa mismo ang sisira nito.  "Hoy, bakla, nakanganga ka riyan." Kinunutan niya ako ng noo at litong tinignan kaya pinitik ko ito upang matauhan.  "Ouchie naman, Kisses, ang sheket ha," reklamo niya.  "Paano, kanina ka pa nakatanga riyan," ingos ko.  "Eh, paano kasi grabe ka sagot-sagutin si Mister CEO." "Magkaibigan kami," tipid kong saad. "Sanay na iyon sa bibig ko. Hindi ko naman siya sasagutin kung nagdahan-dahan siya pinagsasabi niya. Saka ikaw naman, 'di mo man lang ako pinagtanggol. Bakla ka talaga!"  "Sareh na, beshy. Eh, kasi naman ang gwapo, tapos ang kinis, at yummy. Nakaka tulala ang kagwapuhan. Bigay mo nga sa'kin number noon, o kaya siya na lang ang ibigay mo sa akin. Palit isang box ng lipstick." "Heh!" singhal ko.  "Huwag mo na siyang i-box, ako na ang bahala," kinikilig na sabi niya.  Pati ba naman bakla nagkakandarapa rin sa kanya. Sabagay, gwapo naman talaga siya. Maputi, matangkad, malambing at may anim na abs. Nakahawak ako sa aking nakangiting labi nang bigla akong sundutin ni Luhan sa tagiliran.  "Ganda ng ngiti natin, beshy ha. Siguro si Mister Davis ang iniisip mo," nanunuyang sabi nito.  "Kung anu-anong pinagsasabi mo riyan uy. 'Diko naman 'yon type." Totoo iyon. Sigurado ako sa sarili kong hindi ko siya magugustuhan. Sa limang taon naming magkaibigan ay hindi lumagpas doon ang tingin ko sa kanya. Nakakatandang kapatid lang ang tingin ko. I used to call her Kuya before, ngunit ayaw niyang pumayag. Natatandaan ko pa iyong sinabi niya dati na "I'd rather be your boyfriend than be your brother. Hindi tayo bagay na mag-kuya. Gwapo ako tapos medyo maganda ka lang." Tinawanan ko lang siya sa sinabi niyang iyon.  Naputol ang pag-re-reminisce ko nang tumunog ang aking cell phone.  1 message received  King: Sorry :( Napairap ako sa hangin. Anong akala niya sa'kin? Easy to get? Neknek niya.  Napakunot noo ako nang may nag page.  "Calling FS986, calling FS986 to the CEO's office please." 986 is my employee number and FS stands for my position. Hinila ko ang luggage ko at mabilis na pumunta sa CEO's office. Ano kayang ka ek-ekan na naman itong gusto ni King.  Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay yakap agad niya ang sumalubong sa akin. May kung anong humaplos sa puso ko.  I composed myself and pushed him.  "Bakit ka bigla biglang nangyayakap?" galit kong tanong, ngunit sa loob ko ang nagdiriwang ito. Ano ba! Kinikilig ako.  Bagsak ang balikat niya akong hinarap.  "Galit ka kasi," malungkot nitong saad. Nakakahalina sa pandinig ang malamyos niyang tinig. Ayan na naman iyong mga pagbabagong nagaganap sa kanyang sarili. Nakakatunaw ng puso at hindi ko maintindihan kung bakit may mga pagbabago siyang ganoon.  "Bakit ba ako nagalit?"  "Kasi kasalanan ko."  Alam naman pala niya, eh.  "Huwag mo nang uulitin ha. Masakit nasa'yo pa nanggaling na I'm flirting with Luhan. Alam mo bang jafdtekzlvsmslsgsbu..." hindi ko na naipagpatuloy ang aking sasabihin dahil bigla niya akong hinalikan. Gusto ko siyang itulak, ngunit taliwas ang sinasabi ng isip ko. Gusto ko ito, gustong gusto ko ito.  I was savoring the moment when a girl entered his office. Nanlaki ang mga mata ko.  "Putang ina, King, multo! Takot ako sa multo," I exclaimed. Nagtago ako sa likuran niya. "Pasensiya, patawad, at paumanhin po. Dumaan lang ako rito para iabot itong invitation para sa birthday ni Charlotte. Sige ituloy niyo na ulit," humahagikgik nitong sabi bago isarado ang pinto.  Lito kong tiningnan si King. Buhay si Aileen. Buhay siya, hindi siya multo! "Paanong?" napatakip ako sa aking bibig. "Tunay ba iyong nakita ko?" "Yes, she's alive, my Queen. It's a long story, saka ko na iku-kwento. So hindi ka na galit?" nakangising sabi niya.  Nagbalik sa isipan ko iyong paghalik niya sa akin kanina. Why the hell did he kissed me again? Hindi ba lingid sa kaalaman niya na nakakatupok iyon ng damdamin? May kung anong nag aalab na pakiramdam sa loob ng aking puso. Kasabay niyon ay ang mabilis na pagtibok nito. Bakit niya ba ito ginagawa?  Mukhang kakainin ko yata iyong mga nasambit ng isipan ko kanina. "Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya. I was crying. "Bakit mo'ko hinaharot?" Hinampas ko siya sa dibdib habang siya naman ay tumatawa lang. Nakakakilig iyong tawa niya dahil ako ang dahilan niyon. Para siyang kinikiliti, nakakabusog sa tainga.  "Hindi kita hinaharot," ikinulong niya sa kanyang palad ang mukha ko at pinahid ang aking mga luha. "I told you that I'll make you fall for me really hard, right?"  So, ako 'yon?  Ako nga ba?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD