Chapter 8

1044 Words
Umupo ako sa gilid ng kalsada at tahimik na humikbi. Maghapon na kasi akong naghahanap ng trabaho ngunit wala namang tumatanggap sa'kin. Nakaka stress at depress na. Tuluyan na akong napahagulgol nang makita kong ubos na ang skyflakes sa aking bag. Alam mo iyong pakiramdam nang parang pinagsakluban ng langit at lupa? Ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Kailangan na ni Daddy ng gamot, ubos na kasi iyong pang maintenance niya. Nahihiya na akong umutang kay Sally, pabahay na nga kami, pati ba naman pambili ng gamot ng Daddy ko ay iaasa ko pa rin sa kanya.  Nadagdagan pa ang gamot nito dahil sumama ang kanyang loob dahilan nang pagtaas ng kanyang bp. Narinig niya kasi kaming naguusap ng pinsan ko tungkol sa engkwentro namin ni Pura. Sobrang banas ko noong araw na iyon kaya hindi ko napigilang magkwento. Nakalimutan kong high pitch nga pala akong magsalita, ayun, narinig tuloy ni Daddy.  Tumayo ako at mabilis na naglakad papuntang sakayan ng jeep. Muntik pa akong masubsob dahil hilam ng luha ang aking mga mata. Maigi na lang at may humawak sa braso ko.  "Ingat, ingat din kasi. Para ka talagang lalaki maglakad," saad ng pamilyar na tinig.  Bumigat na naman ang dibdib ko. Nilingon ko siya at mahigpit na niyakap. Tumulo na nang tuluyan ang aking mga luha.  "King, bakit ganoon? Ayaw nila akong i-hire? Graduate naman ako. Matalino naman ako. Anong kulang?" umiiyak na tanong ko.  Kahit paano ay gumaan ang aking pakiramdam. Madalas niyang sinasabi sa akin na laging handa ang kanyang mga balikat para sa mga luha ko at palagi nga niyang ginagawa iyon.  Noong unang beses akong umiyak ay 'yong malalang stroke ni Daddy. Pangalawa ay iyong graduation ko, tapos ito naman ngayon. He's always there everytime I'm in pain.  "Magkakatrabaho ka rin, ako ang bahala. But first things first, kumain muna tayo," alo nito sa akin.  Pinahid niya ang mga luha ko at inakay ako pasakay ng kotse. Binigyan niya ako ng bottled water. I drink it straight, iyon man lang ay mapawi ang gutom ko.  "Libre mo ha?" nakanguso kong sabi sa kanya. He gave me a smile at nagsimula nang magmaneho.  Sa may El Pueblo kami pumunta. Pinapili niya ako kung saan ko raw gustong kumain. Siyempre doon sa paborito ko, sa Cafe 1771. This is my favorite kasi dito iyong first friendly date namin. Masyado talaga ako sentimental na tao. Lalo na kapag iyong mga bagay at pangyayari na tungkol sa kanya.  I treasured our moments with all my heart. Nasa akin pa nga iyong first flower na binigay niya noong nanalo ako sa school pagent. Pati iyong mga regalo niya every birthday, valentines at christmas. We do have our own friendsary. Baduy sa iba, pero sa akin hindi. Ewan ko ba, noong una din na-baduyan ako but I got used to it. Ako raw kasi iyong favorite friend niya.  I ordered the usual croque madame and spinach fritata. Breakfast lang talaga iyon sineserve, pero dahil siya si Mikael Davis, the staff treat him as a vip guest. Lahat ng request niya ay binibigay ng mga ito.  Pagkalapag ng pagkain ay sinunggaban ko agad ito.  "Mahirinan ka naman. Ito oh, tubig." He gave me water and tissue. Para akong hindi kumain ng isang linggo sa gutom ko ngayon. Dalawang skyflakes lang naman ang laman ng aking tiyan sa maghapon kong pag a-apply. Balak ko ring mag 1-2-3 sa jeep pauwi. Buti na lang dumating si King kaya hindi ako nagkaroon ng kasalanan. Ganoon talaga, yagit problems.  "Bakit nga pala alam mong naroon ako?" taka kong tanong.  Tumigil siya sa pagkain at huminga ng malalim.  "Nico Gonzales called me," simula niya. "Iyong huling nag interview sa'yo?"  "Hah! Ikaw ang nagsabing huwag akong i-hire? Napakawalang puso mo naman. Akala ko ba magkaibigan tayo?"  "Hindi. Ano ka ba. Wala akong kinalaman doon. Kaya nga niya ako tinawagan to tell me na si Daddy ang nag instruct sa mga hotel companies na huwag kang..i-hire."  Binagsak ko ang kutsara at tinidor na hawak ko. Dinampot ko iyong bread knife at tinutok ito sa kanya.  "Sabihin mo riyan sa Tatay mong si Poknat, tigil-tigilan na niya ako. At kung sasabihin mo sa akin na kailangan kong mag sorry sa kanya, kahit maubos lahat ng buhok niya pati bulbol niya, hinding hindi ko gagawin 'yon. Not today, not tomorrow and not even after my death. Mag ja-janitor na lang ako!"  Feel na feel ko ang paglaki ng butas ng aking ilong sa inis. Madami namang pwedeng trabaho riyan. Saksak niya sa uban niya ang mga hotel companies. Mag a-abroad na lang ako 'no.  Kaso, paano si Daddy? Walang maiiwan kay Daddy. Kapag ba nag janitor ako matutustusan ko ang gamot niya? Tourism graduate tapos magiging janitor? What a f*****g career growth was that? Napasabunot ako sa aking ulo. Uminom ako ng tubig para kumalma.  "Relax. Daddy told me that you'll be unbanned to those companies if you will continue your contract at DIA," mahinahon nitong sambit. Naibuga ko iyong tubig sa kanya. Mabilis kong dinampot ang table cloth na nasa lap ko at ipinahid ito sa kanyang mukha.  "Sorry. Nabigla lang ako. Hindi naman kasi kapani-paniwala iyang sinasabi mo. Sobra niya akong husgahan tapos sasabihin mo ngayon sa akin na gusto niyang ituloy ko ang kontrata ko" hindi makapaniwalang wika ko.  "Ang sabi naman niya sa akin, okay ka naman. You're pretty, smart, sexy..." Ah, may pinagmanahan.  "Manyak din ang Tatay mo?"  "Grabe ka na sa Daddy ko ha! I mean, you deserve the position. Baguhin mo lang daw ang behavior mo."  Napaisip ako. Okay naman pala ang Daddy niya. Pero kailangan talaga ipa-banned ako sa mga kompanyang a-applyan ko? Tiningnan ko siya ng mariin at tinatanya kung nagsasabi siya ng totoo. Mukha naman siyang seryoso. Ako din naman ang mag be-benefit kung babalik ako doon. Better kung magiging regular employee ako.  "Totoo ba 'yan?" paninigurado ko.  "Yes. So, ano?"  "Okay. Give me your Daddy's number. I'll call him para mag-sorry at magpasalamat."  "N-No," he hysterically said. Kung maka no, wagas. "Ibig kong sabihin, you can't reach him kasi nasa Paris siya ngayon."  Bakit ganoon? Naging weird siya bigla. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso.  Pinagkibit balikat ko na lang iyon. Aarte pa ba ako? Para ito sa pantustos ng pagpapagamot ni Daddy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD