"Aray!" angil niya sa akin. "Bakit ka nananampal?" hinimas himas niya iyong mukha niya. May kung anong sumundot sa aking konsensya nang makita kong namumula iyon.
"Eh, bakit ka kasi nanghahalik?" sigaw ko. Nakuha na nga niya ang first kiss ko, pati ba naman ang second kiss? Masyado naman yata siyang lucky.
Padabog akong tumayo at naglakad palabas ng kitchen. Lalo akong nainis nang hindi ko matagpuan ang aking bag. Sa sala ko lang naman iyon iniwan kanina.
"Is this what you're looking for?" nilingon ko siya. Hawak niya iyong bag ko. Lumapit ako at kukunin na sana iyon pero nilalayo niya lang pataas. Matangkad naman ako pero mas mataas siya sa akin kaya hindi ko maabot.
"Akina nga iyan. Bakit mo ba nilalayo?" saad ko. Iniinis talaga ako nito.
Pumasok siya sa kanyang silid at doon ibinato ang aking bag. He locked the door and faced me again. Paano ako makakauwi kung hindi niya ibibigay iyon sa akin? Nandoon ang coin purse ko at napkin ko. Ibabato ko talaga sa kanya iyong pinagreglahan ko kapag tinagusan ako dito.
"Aalis ka na naman nang hindi tayo nag-uusap." Bumuntong hininga siya. "Look, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya. Nakakatukso kasi iyong labi mo. You know, spur of the moment."
"Ungas ka! Hindi tayo talo. Huwag mo nga akong madamay damay diyan sa spur of the f*****g moment mo," tungayaw ko.
Nasilip ko ang mukha ko sa salamin. Pulang pula ako sa inis.
Bigla siyang tumawa ng malakas. Walang nakakatawa sa ginawa niya sa akin. Corrupted na nga ang isip ko, nabawasan pa nang virgin na parte ang katawan ko. Kailangan ko na yatang magsumbong sa Gabriela.
Dinampot ko ang remote at binato ito sa kanya.
"Awww.. Strike two ka na ha. Hahalikan kita ulit." Banta nito. "Sorry na kasi. Huwag ka nang magalit. Susumbong kita sa Daddy ko."
"Samahan pa kita," naghahamong sabi ko.
Hindi naman dapat ako apektado. But a part of my mind was disappointed when he told me that it's just his spur of the moment. Am I expecting that it was real? I don't know.
Masarap naman iyong kiss niya. May malakas na boltahe akong naramdaman sa loob ng aking katawan. I also felt butterflies inside my tummy. And yes, I am happy. I slapped him kasi nabigla ako? Hindi ko talaga alam. Siguro in denial lang ako. Nakakatakot pala itong maramdaman.
Naputol ang pag a-admire ko sa kanyang gwapong mukha nang pitikin niya ako sa noo.
"Ano? Bakit ka namimitik?"
"Kanina pa ako salita nang salita rito. Hindi mo naman ako pinapansin. Bati na tayo ha?"
Inirapan ko siya. Siya naman ay niyakap ako ng mahigpit. Sweet na sana siya doon kaso lang, hindi ako makahinga.
"Sandali, bitaw nga. I can't breathe," reklamo ko.
"Ayan, galit ka na naman." He pouted, ang cute niya. Bakit ba siya nagkakaganito ngayong araw?
"Ibigay mo na sa akin ang bag ko."
"Na-uh. Sabihin mo munang hindi ka na galit."
Anong akala niya sa akin uto-uto? Hindi na niya maibabalik ang first at second kiss ko. Kinapa kapa ko ang aking bulsa, nagbabakasaling may matagpuang barya.
Ang bait talaga ni Lord. May nakaipit na bente pesos sa secret pocket ko. Pwede na akong makauwi nito.
"Hey. Saan ka pupunta?" nakangisi niyang tanong.
"Uuwi na." Nilagpasan ko siya at dumiretso sa may pinto.
"Wala kang pamasahe. I have your bag remember?"
Binunot ko ang bente pesos ko at mayabang itong binulatlat sa kanyang harap.
"Nakikita mo iyan? Iyan ang gagamitin ko para makauwi. Iyong bag ko sa'yo na lang. Saksak mo sa itlog mo!" Binangga ko ang kanyang balikat at nagtungo sa may pinto, ngunit bago pa ako makahawak sa may door knob ay naharangan na niya ito.
He hold my hand and kneel in front of me. Nagkunot noo ako at mariin siyang tinignan. Bakit may dala siyang bulaklak? My favorite pink roses.
"I'm sorry." Hinalikan niya iyong kamay ko. "Really, my Queen, I am sorry if I embarrassed you. Forgive me, please?" he said in a very sweet voice with his signature puppy eyes. Husay talagang manuyo.
"Fine." Hinablot ko iyong flowers at inamoy. "Huwag mo nang uulitin iyon," ismid ko. Tumayo siya at nginitian ako.
"Thanks." He playfully said then winked at me. Ibinigay na niya rin sa akin ang aking bag.
Nagpaalam na akong uuwi na dahil nangako ako kay Sally at Daddy na magsisimba kami. Sunday is family day.
I pressed the button of the elevator for the vip. Nang bumukas ito ay iniluwa nito ang isang pamilyar na babae na nakasuot ng black dress. She even wore her signature shoes and bag. Wala pa ring pinagbago, pasosyal at its finest pa din.
"Oh, look who's here. Mangaagaw na ng Nanay, mangaagaw pa ng boyfriend," taas kilay nitong sabi sa akin.
I smirked at her. Nakakatawa siya. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito. The hell I care with her boyfriend.
Lalagpasan ko na sana siya ngunit nahuli niya agad ang aking braso. Mahigpit niyang hinawakan ito. Pinapaligaya niya talaga ang araw ko.
"What?" irita kong tanong.
"I am talking to you, you flirt." Tinaasan niya ako ng boses.
I hold her neck and pinned her to the wall. Wala na akong pakialam kung may makakita sa amin. She woke up the b***h in me. Bumalik lahat sa ala-ala ko ang ginawa nila sa amin ni Daddy. Mabait naman akong kapatid kaya ibibigay ko ang gusto niya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mong pangit ka. For your information, wala akong alam sa sinasabi mong mang aagaw ako ng boyfriend. Ikaw? Aagawan ko? Ilang litro ba ang nainom mong confidence?" Unti-unti ko siyang sinasakal. Galit na galit ako.
"Hayop ka! Asal kalye ka pa rin. Ewan ko nga kung bakit ikaw ang paborito ni Mommy. You don't even know how to act like a lady. I don't know what Mi- ahhhhh!” Hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sa kanya. I want to kill her right now.
"Hey, hey. Awat na!" Saway ng pamilyar na tinig. It's Dranrei, King's friend. Mabilis niya akong nailayo kay Pura - my evil step sister.
"I will sue you," she angrily yelled at me. Nagtataas baba pa rin ang aking dibdib dahil sa galit. Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw at gusto ko siyang sapakin.
"I will be her lawyer," Nigel said. Siya 'yong may hawak sa kanya.
"I-I changed my mind," nauutal niyang wika.
Napangisi ako. Parang tinakasan siya ng dugo sa kanyang mukha. She knew what kind of lawyer Nigel is. He's a monster. Siya iyong nakapagpakulong sa notorious na drug lord ng bansa. Mabagal man ang usad pero sulit ang paghihintay. Slowly but surely, ika nga.
She turned back on us at mabilis na sumakay sa elevator.
"Thanks guys," sabi ko sa kanila. "She's my sister."
"Wala iyon. Hindi nga dapat namin kayo aawatin. Ito lang si Nigel kasi masyadong mabait. Kasalanan daw iyon sabi ni Inday," si Rei.
"Dapat lang naman talagang awatin. Baka mapatay niya iyong babaeng kambing," ani Nigel.
"Bakit babaeng kambing?" I asked him na natatawa.
"Miles call her babaeng kambing. Ka-deal niya iyon sa business na awww...." hindi niya naituloy ang sasabihin dahil siniko siya ni Rei.
"Ibig sabihin niya, naging client niya iyong kapatid mong si.. "
"Pura..Her name is Pura," sabi ko. "Paano, mauuna na ako. Magsisimba pa kami nila Daddy at Sally. Salamat ulit." Nakipag fist bomb ako sa kanila tulad nang palagi kong ginagawa. Sa tagal na naming magkaibigan ni King ay ganoong katagal ko na rin silang kilala. They are great guys, lalo na si Nigel.
Papasok na sana ako nang bigla kong narinig ang boses ni King.
"Bakit narito ka pa? Kanina ka pa nakaalis 'diba?" kunot noong tanong nito.
"May bakbakang naganap kanina. A girl name Pura was pissing her ass off. Sinakal niya iyon. Hindi ko nga sana aawatin, alam mo naman itong katabi ko," turo ni Dranrei kay Nigel. "He's very fond of his wife's life lessons. Ang hot niya roon kanina. I love feisty girls." Dranrei licked his lips habang nakatingin sa akin.
"f**k you. She's mine," angil ni King. Hinatak niya ang braso ko para mapalapit sa kanya. Iyong dalawa naman ay ngingisi ngisi lang.
"Are you hurt? Okay ka lang?" nag aalala niyang tanong.
"Oa mo, okay lang ako. Nasakal ko naman. Sinabihan niya kasi akong inaagaw ko raw iyong boyfriend niya. Anong malay ko naman sa boyfriend niya." Napaisip ako bigla. "Siguro ikaw iyong dapat na pupuntahan niya ano? She was your supposed to be date?"
Bigla siyang naubo. Napansin ko agad ang kanyang pamumutla.
"O-of course not. I don't even know her."
"Good. Kasi kung siya iyong sinasabi mo, kahit kailan hindi na kita papansinin."
"Gano'n? Ipapamigay mo ako? You won't fight for me?"
"Hindi..kita ipapamigay kung sa kanya rin lang." Wala sa sarili kong naiusal. God! Why am I saying these?
Niyakap na naman niya ako. May payakap ba si Mayor ngayon? Noong isang araw pa siya ganyan.
"It will never happen, my Queen. That will be the death of me and it would break my heart," madamdamin nitong saad.
Bigla akong nakaramdam ng takot. Am I already falling?