Chapter 6

1066 Words
Kusa akong dinala ng aking mga paa sa harap ng unit ni King. I didn't sleep well last night dahil sa pag iinarte niya. Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Dapat nga ay hinahayaan ko na lang siya katulad ng ginagawa ko noon kapag nagkakatampuhan kami. Pero kasi, ewan ko ba. Hindi ko siya kayang tiisin ngayon.  Gusto kong magpanovena, magpa-pansit at magpa mogu-mogu nang biglang bumukas ang pinto. Nakakapanibago na siya ang nagbukas noon. Dalawa lang naman kasi iyon. Iyong babaeng nadiligan niya ang magbubukas, oh ako ang kusang magbubukas. What a new day.  "What?" bungad na tanong niya sa akin sa iritableng tono.  "You're not answering my texts and calls." "'Diko narinig, maaga akong natulog kagabi."  Naglakad siya papalayo sa akin at dumiretso sa kusina. He's acting really weird. Parang iyong dibdib ko, kanina pa may nagdudugudug dugudug.  Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Ano kayang ine-emote ng lalaking ito? Tapos isa ring nag e-epal iyong kalooban. Bigla na lang akong natakot kasi ganyan ang inaarte niya ngayon.  Umupo ako sa sala at nangalumbaba. Sabi nila malas daw iyon. Eh kaso, wala akong pakialam dahil hindi niya nga ako pinapansin. Aminin ko man o hindi, nasasaktan ako sa inaasal niya ngayon. He was cold as ice. Hindi ako naniniwalang maaga siya nakatulog. At himala din na wala siyang kaulayaw kagabi. Baka maagang umalis? Nakakapagtaka talaga. I took a deep breath.  I followed him in the kitchen. May nakahain doong spinach fritata, croque madame and two cafe latte. Para akong nasa Cafe 1771.  Iyon 'yong mga pagkain na talagang nagustuhan ko noong kumain kami roon. That was our first friendly date. Iyong mga panahong bagong magkakilala pa lamang kami. Simula noon, madalas na niyang ino-order iyon para sa akin. But base on the mess on his kitchen, mukhang dito siya nagluto. Biglang kumalam ang tiyan ko.  "Are you mad at me?" maingat kong tanong. Napapikit ako ng mariin. Ngayon lang ako nahiya magtanong sa kanya ng ganito. Iyong feeling na parang kasing laki ng dede ko 'yong kasalanan ko na hindi ko naman alam kung ano. Hindi niya ako sinagot o nilingon man lang. Galit nga siya sa akin.  "Hey. Magsalita ka naman," nakabusangot kong sabi. First time niya akong hindi kinausap ng ganito katagal. Nakakapagalala.  Umikot ako papuntang lababo para hugasan iyong mga ginamit niya. I need to move because I can't take his topak anymore. Malapit na rin akong mainis.  "Anong araw ka cleaners noong elementary ka?" bigla kong tanong habang nagsasabon ng mga kawali.  "Monday," tipid niyang sabi.  Uy, effective.  "Anong favorite number mo sa electricfan?" "Three," sagot niya uli.  "Bakit kulot ang bulbol?" "I don't... wait! What kind of question was that? Iyang bibig mo talaga," naiiling niyang saad. Pinunasan ko ang mga kamay ko at niyakap siya mula sa likod. Damang dama ko iyong mga pandesal niya. Bakit ko ba siya niyakap ng wala siyang suot na kamiseta? "Huy, ano bang kinaiinis mo?" ungot ko dito.  "Hindi naman nakakainis iyong sinabi mo na hindi... I mean, ginawa mo sa Daddy ko. Okay lang iyon." He said with sarcasm. Kaya pala siya nag aalburuto, dahil doon sa Tatay niyang matapobreng panot.  Alam ko namang mali. Nabigla lang ako sa mga ibinato niyang salita sa akin. Durog na durog ako kahapon. Ang ganda ganda ng swimsuit ko tapos tatalakan lang niya ako. Minsan lang ako magsuot ng ganoon 'no. Sayang tuloy ang pasingit saka pa kili kili ni Mayora. If he's expecting me to say sorry, umasa siya habang buhay. I will never do that.  "Are you expecting someone?" pag-iiba ko sa usapan. Kumalas ako ng yakap sa kanya at humalukipkip.  "Y-yes. But she's not coming. May ano..may emergency meeting daw," he said in a low voice. He look tense.  "A she? Bago iyan ah. May girlfriend ka na?" maingat na tanong ko.  "Yeah. I mean, hindi pa."  I smirked with what he said. Hindi pa rin talaga nagbabago. What do I expect? He's Mikael King Davis.  "Another girl toy ha?" saad ko habang kumakain ng slice apple.  "No. This one is different. I love her since the first day I laid my eyes on her. Hinintay ko lang na maging maayos siya. Matagal ko na itong hinihintay and I won't let her slip away." Mariin nitong sabi habang titig na titig sa aking mga mata. Tila ba may ibig sabihin ang mga titig na iyon.  Good for him dahil nakahanap na siya ng mapagtitinuan ng feelings. Sana nga f**k boy no more na talaga siya.  But why am I feeling threatened? I should be happy right? Dumating na ang babaeng magpapatino sa kanya. Siguro dahil hindi ko na siya mabubulabog palagi kasi mag kaka-love life na siya.  Saan ba kasi nakakabili ng love life?  Biglang nag init ang sulok ng aking mga mata kaya nagiwas ako ng tingin. Baka possible tears of joy iyon. Oo, tama. Dapat happy lang. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain.  "Wow, ang sarap naman nito King. Ikaw talaga ang nagluto nito?" bulalas ko. Masarap pa ito doon sa pagkain sa restaurant. Pwede na siyang maging chef.  "Yeah. I studied culinary secretly cause Dad doesn't approve it. Gusto niya kasing ako ang maging taga pagmana ng airport. That's what he wants kaya sinunod ko." Kibit balikat na pahayag niya. Sunod sunod ang aking subo kaya nahirinan ako. Ang sarap talaga.  "Dahan dahan naman. Napag aralan mo na iyan diba? You should eat with finesse," ingos niya. Napanguso ako. Nakakawalang manners kasi talaga kumain kapag marami kang gutom.  "Wala na ako sa airport. Hindi na ako pwedeng bumalik doon. Your dad fired me, remember?" malungkot na wika ko. "Paano pala iyan, kapag sinabi ng Daddy mo na magpakasal ka sa hindi mo naman mahal susundin mo rin?" "Of course not. I won't let that happen, my Queen. My future was already planned." Bigla niyang hinawakan ang baba ko at iniangat ito. Nakakatunaw iyong tingin niya. May nadinig na naman akong nagtugudug tugudug. "Actually, hindi niya nga raw ako type. Sad 'diba?" napalunok ako. Lalo niyang inilapit iyong mukha niya sa akin. I can feel his minty fresh breath. Konting pout na lang maglalapat na ang aming mga labi. "I'll make sure that she will fall for me, my Queen, really hard. And I will start now." Walang sabi sabi niya akong hinalikan sa labi. Oh my God! He kissed me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD