Chapter 5

1541 Words
Ang dami kong natutunan sa two weeks training ko. And today would be my last training day. Medyo kinakabahan ako dahil hindi naman talaga ako marunong lumangoy. I was wearing a one piece black swimsuit. Nakakailang dahil first time kong magsuot ng ganito. Hanggang pekpek shorts lang ako noon, nag level up na ngayon.  Macky- our trainor started the lesson. He discussed about the proper breathing then followed with basic swimming tricks. Hindi naman pala nakakatakot. My co-trainees were very good. Ang gagaling nilang lumangoy.  My heart was rapidly beating when Macky called my name. It's my turn now to do the race dive. I positioned my self then jumped into the pool.  Nakakadalawang balik pa lang ako nang bigla may kirot akong naramdaman sa aking balikat. Gumuhit iyon pababa ng aking balakang. Parang pinipilipit.  "s**t," I cursed.  I'm already out of the line. Nagkakawag ako, but I am too far from them. Hindi na talaga ako makagalaw ng maayos.  Sumigaw na ako ng malakas. Pinupulikat na pati ang mga binti ko.  "What the hell! she's drowning!" dinig kong sigaw ng isang pamilyar na tinig. Nakakainom na ako ng tubig at unti-unti nang pumapailalim. I can't swim anymore.  "Hold on, my Queen," a familiar voice said. Hindi ko na alam kung sino iyon. I was panting and slowly losing my breath.  I am hearing murmurs everywhere. Hindi malinaw ngunit alam kong nagkakagulo ang mga taong nasa paligid ko.  A warm lips landed on mine. He was giving me air. He even pinched my nose. Kung naiba lang ang pagkakataon ay baka nasampal ko ito. How dare he stole my first kiss. I'm sure that it was Macky. Siya lang naman may alam noon dahil hindi pa nito naituturo ang first aid if ever may malunod.  After a few more blow, bigla akong umubo kasama ng mga nainom kong tubig. Nalunod na nga ako hindi pa makatarungang naibigay ang first kiss ko.  Dahan dahan akong bumangon para ibuga ang lahat ng tubig. A hand was caressing my back.  "Thank God, you're okay," Charity said. Siya iyong isa sa magaling lumangoy.  Pinahid ko ang aking bibig. Nagtaas ako ng tingin and saw their worried faces.  Kung kailan tapos na at ligtas na ako ay saka ako nakaramdam ng takot. Sumagi sa isip ko si Daddy, si Sally, and.. King.  King? Bakit kasama siya sa mga taong naiisip ko? Pinipigilan kong umiyak.  Nakasubsob lang ako sa aking mga tuhod. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. "Hey, say something, my Queen," the man who gave me the mouth to mouth resuscitation said.  Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil ito. Doon ako natauhan.  Lumingon ako at ganoon na lang ang aking gulat nang makilala kung sino iyon. It was King. King was the one who saved my life. Kaya pala my Queen siya nang my Queen.  Kusang nagtubig ang aking mga mata.  "Natakot ako, King. Akala ko mamatay na ako," I told him. Hindi ko na napigilan ang umiyak.  "Hush now. It will never happen."  Napuno ng bulungan ang paligid nang bigla ako nitong buhatin. Wala akong pakealam kung ano ang sasabihin nila. Sila kaya ang malunod. Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang leeg.  My eyes were close when I heard him talked.  "You're fired," I'm sure that it was for Macky. Wala akong nadinig na sagot galing dito. Tamad ko itong tiningala.  "Bakit mo ginawa iyon?" tanong ko.  "Muntik ka ng mamatay concern ka pa rin sa kanya ?" he hissed.  I don't have the power to have an argument with him. Mamaya ko na lang siya kakausapin kapag may energy na akong magtatalak. Kawawa naman si Macky. Hindi naman niya ginustong malunod ako. Sadyang konti lang talaga ang tao doon sa gym kanina. Masyado ring malaki ang pool para mapansin niya ako agad. King brought me to the airport's clinic. Ang oa niya. Gusto pa niya akong dalhin sa malaking ospital. Okay naman ako. Sabi ng doctor, sapat na iyong paglabas ng tubig kanina.  Pinabayaan nila akong matulog. I woke up with a warm hand holding mine. Si King iyon. Napangiti ako. Pinisil ko ito kaya siya nagising.  "Why are you still here? Baka kung ano nang isipin ng mga staff," nagaalalang sabi ko. Nasa mga mata pa rin nito ang pag aalala.  "I am worried," he simply said.  "Ano ka ba. Okay na ako. Thank you for saving me."  Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. He even kissed my hand. Ayan na naman siya. Pinapakilig na naman niya ako. At nakakainis kasi kinikilig ako. Ano na ba itong nangyayari sa akin?  Bigla niyang binitawan ang kamay ko at mabilis na tumayo nang may pumasok na di katandaang lalaki. He was wearing a suit. Kahawig niya ito. "Dad," King said. Lumapit siya sa lalaki at nagmano. "Why are you here?"  "The training department told me that you fired Macky Salvejo," sabi nito sa ma awtoridad na tinig. Base on the way he speaks he's a bossy man. Iyong kapag nagsalita siya ay bigla ka na lang mapapabalikwas at susunod kung ano man ang gusto niyang ipagawa.  Kaya pala takot si King dito. Para pating mangangain ng tao. "He didn't do his job well, Dad. Nalunod ang isa sa mga trainee dahil sa kanya," paliwanag ni King.  "Stop being unreasonable Mikael, dahil lang sa babaeng iyan magsisisante ka ng empleyado? Kung sa kanilang dalawa naman ay si Macky ang mas nararapat. This low life woman doesn't belong here. Nakapasok lang naman iyan dito dahil... " "Dad, stop." King cut him off. Ano bang sinasabi ng gurang na ito? He looked at me from head to toe.  Anong karapatan niyang sabihan ako ng ganoon. Hindi talaga tama na dito ako nagtrabaho. Kakalimutan ko na lang siguro ang pangarap kong makapagtrabaho rito.  "Mawalang galang na ho. Hindi ko ho gustong masisante si Macky. I didn't even told Sir Mikael to fire him. And for your f*****g information, nag apply ako rito tulad ng proseso na ginagawa ng karaniwang aplikante. Excuse me, Sir."  "You're fired," the old man said. "Hindi ka bagay dito at hindi ka bagay sa anak ko."  Natawa ako ng malakas.  "Hindi ko naman type iyang anak ninyo. I maybe a b***h sometimes but I am not ambitchious. Sayonara, poknat."  "Anong poknat?" galit na tanong nito. "Iyang ulo niyo poknat. In other words, panot." I mocked at him. Pulang pula ang mukha niya sa inis. Para siyang kwek-kwek.  I rolled my eyes. Nakakaimbyerna siya ng kagandahan. Hindi porket siya ang may ari nitong airport ay hahamakin niya na ako.  Nagmartsa ako papunta ng locker area. Nag shower ako at mabilis na nagbihis. Napatili ako nang biglang bumukas ang cubicle.  "What the hell, King. This is the girls locker room!" sigaw ko sa kanya.  "I want to talk to you, in private," he said in a husky tone.  Bakit ganoon? Feeling ko, nag-orgasm ako ng 0.05 seconds. Ganito talaga ka private ang gusto niya? Nakakaloka! "Lumabas ka na nga. Ayaw kitang kausap, nabubwisit ako sa mukha mo kasi kamukha mo iyong kwek-kwek mong Tatay. Alis!" naiinis kong taboy dito.  "I'm sorry. Ako na ang humihingi ng tawad sa sinabi ni Daddy kanina," he told me. He let out a deep sigh. He held my hand and kissed it again. Kinikilig na naman ako. Para siyang gamot. Three times a day magpakilig, lagpas na nga yata. Ma o-overdose na ako.  Pinakatitigan ko siya ng mabuti. Nasa mga mata naman nito ang sinseridad sa paghingi ng tawad. Nakakapanibago lang dahil ngayon ko lang siya narinig na mag sorry. Siya kasi iyong tao na mukhang hindi seryoso. He always bully me in everything. Physically and emotionally bully siya. Pero iyong hitsura niya ngayon, nakakapanibago. At kinakabahan ako sa pagbabagong iyon.  "Oo na, sige na. But you can't stop me from quitting. Kilala mo ako, King. Ayoko sa lahat ay hinuhusgahan ang pagkatao ko. I started from the bottom at hindi ko iyon kinakahiya. Hindi ako kahit kailan nanghingi ng tulong sa'yo. You're the one who offered the job. Hindi sa nagmamalaki ako pero hindi naman ako nakapasok dito na gamit ang pangalan mo. Pumila ako ng mahaba at nagutom din naman ako sa paghihintay sa interviewer," mahabang litanya ko. I didn't know that my tears were already falling. Nakakasama naman kasi talaga ng loob.  "I understand, I'm sorry again." He wiped my tears and gave me the towel.  He sat on the chair at the front of the cubicle. Mukhang hihintayin ako nito. Ipinagpatuloy ko ang pagbibihis.  I opened the door and tapped his shoulder. Nakayuko kasi ito at tila malalim ang iniisip. May kung anong kaba akong naramdaman. Bigla kasing nag iba ang mood nito. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. "Yeah, let's go," masungit niyang sagot. Mabilis siyang naglakad palabas, nauuna pa siya sa akin. Kailan pa siya naging bipolar?  Nahulog ako sa malalim na pag iisip habang naglalakad patungong employees exit. Bumalik iyong eksena kanina sa utak ko. Iyong sinabi ng Daddy niya na I'm a low life woman at hindi daw kami bagay ni King. Alam ko naman iyon.  Pero bakit nasasaktan ako? Why am I feeling like this? Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Iyong biglang ang hirap hirap niyang abutin.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD