"Hey, wake up sleepy head," dinig kong sabi ng isang boses na may malaki at malalim na tinig. Binalewala ko iyon.
Pumihit ako pakaliwa upang maging komportable ang aking paghiga. Nalukot ang ilong ko nang may maramdamang kumakalikot nito. "Wake up, my Queen, we have a lot of things to do today." Nananaginip ba ako? Parang boses yata ni King iyon.
I slowly opened my eyes. And it widened when I saw his face near me. Was he going to kiss me?
Gumulong ako para maiwasang mauntog sa kanya. Kinuha ko ang unang bagay na nakita ko sa bed side table ko at itinutok iyon sa kanya.
"Huwag kang lalapit. Sisigaw ako ng rape," naghahamong sabi ko. Bakit ba siya nandito? Paano siyang nakapasok sa kwarto ko?
Imbis na matakot ay nagpakawala lang siya ng halakhak. I throw a pillow at him pero mabilis niya iyong nailagan.
"Para kang timang. Pinapasok ako ni Sally, and excuse me, I don't need to force you. You'll voluntary give yourself to me, my Queen," he confidently said. Kinindatan niya pa ako. Manyak talaga. "And you think that d1ldo can kill me?" Binigyan niya ako ng nanghuhusgang tingin.
"Tantado! This is not a d1ldo. Cucumber soothing gel ito." Inilapit ko sa mukha niya iyong gel. Pahaba kasi iyon at patulis. Ang judgemental, nakakayamot. Sagana talaga sa kahalayan ang utak niya. Binitawan ko iyong hawak ko at sumalampak ng upo sa kama.
"Ano bang ginagawa mo rito, King ina? Sunday ngayon. Huwag mong sabihing linggo na linggo, mag ki-kinemeng walk na naman ako. Masakit pa ang mga paa ko ha. Huwag ako, huwag ako," mariin kong sambit. Ginaya ko pa kung paano iyon bigkasin ni Ivy Aguas.
I stood up and started to comb my hair. Naaninag ko iyong mukha niya sa salamin. The mighty King was staring at my butt. Nilingon ko siya at binato nang suklay.
"Awww.. What?" daing niya. Sa siko niya iyon tumama.
"What your face. You're staring at my butt, ulol!" I yelled at him. Ang aga aga nambu-bwisit. He just gave me a sexy chuckle. Sexy? Teka. Bakit ko ba napansin iyon?
"I'm sorry. I can't help it, I think it fits on my palm." Nagmustra pa ito na parang may hinahawakan ang dalawa niyang kamay. Ilang beses niya ba akong balak yamutin ngayong araw?
Iginala ko ang mga mata ko at naghanap ng maari kong maibato ngunit wala na akong makita. Nasa likod niya kasi iyong mga gamit ko na nakalagay sa shelves. Sa isip ko na lang siya babatuhin.
"Alam mo, umalis ka na lang kung mamanyakin mo lang akong ungas ka," angil ko. Pinaikutan ko siya ng mata.
"Eh, bakit ka kasi naka pekpek shorts? Nadi-distract tuloy ako. Lalaki lang ako, my Queen, you know, marupok."
"Wala kang pakialam kung naka pekpek shorts ako kasi hindi ko naman pinapakealaman iyang betlog shorts mo." Turo ko pa sa suot niyang short na hanggang tuhod lang na may tupi sa magkabilang dulo. I don't know what exactly was that. Since lalaki naman siya eh, 'di betlog shorts na lang.
Hindi maipinta ang kanyang mukha sa sinabi ko. Halatang hindi niya iyon nagustuhan. Sa ilang taon naming magkakilala ay alam ko kung paano siya aasarin. Madali siyang mapikon kapag nilalait ko ang fashion style niya. Nagbago lang naman siya noong nakilala niya ako. Ayoko halos madikit sa kanya noon kasi feeling ko nagmumukha akong alalay niya. Ganda ko naman masyado para maging julalay lang.
"This is not a betlog short, it's sexy shorts," katwiran niya. Binigyan diin niya talaga yong word na "sexy."
Wala na akong nagawa kundi ang maligo at mag ayos. He told me na pupunta raw kami ng salon to do my make over. Muntik na naman akong ma-offend pero naalala ko nga pa lang kailangan iyon para maging ka aya-aya naman ako. Yesterday was my final interview and I was hired. Ang saya-saya ko. Kaya pumapayag na lang ako sa kung anong gusto niya.
He didn't fail to remind me always that this is for my dream. Minsan nga hindi ko na siya maintindihan, over acting na kasi. Pangarap kong maging stewardess ng isang sikat na airport ng bansa hindi maging beauty queen.
I'm done with my facial, mani and pedi. Pina cut ko din iyong hair ko into layer. Wala kasing ka latoy-latoy tignan. Straight lang siya at hanggang bewang ang haba. The stylist does her job very well. Mas gumanda akong tignan.
"Ano? Bagay ba? How do I look?" I asked him with a smile. Hindi agad siya sumagot, nakatanga lang siya sa akin. Napangiti ako.
"Hoy," ginulat ko siya kaya napabalik huwisyo ito. "Gandang ganda ka sa akin diyan. Laway mo, water falls na," nanunukso kong sabi.
"Wow. Mukha ka ng tao," nakangisi niyang sambit. Binatukan ko siya. Ano bang tingin niya sa akin noon? Mukhang hayop?
Nagulat ako nang bigla niya akong kinabig at hinalikan sa noo. I felt something tickling inside my stomach. Kakaibang kilabot ang hatid sa akin nito.
"You're the prettiest in my eyes, my Queen," bulong niya sa akin habang yakap pa rin ako.
Kenekeleg eke.
Bago pa man lumukso palabas ang aking puso ay kumalas na ako mula sa kanyang bisig. Baka kasi kapag nangyari iyon ay mawala ako sa aking sarili at bigla ko na lang siyang mahalikan.
Ayokong madala ng the spur of the moment. Marami nang nabiktima iyon. Iyong ngayon kinikilig ka at masaya tapos bukas nganga ka na nga, wasak pa ang puso mo. Kahit ang glue ni Elmer ay hindi kakayaning mapagdikit ang bawat piraso noon. Mapapakanta ka na lang ng "Where do broken hearts go?"
Naglikot ako ng mata at naghanap ng makakabasag ng paglalandi niya sa akin. May nakita akong poster ng eyebrow enhancement.
"Huy, magpaganun ka oh," sabi ko sa kanya. Tinuro ko pa iyong lalaking nasa poster. May picture doon ng before and after. Parang iyong kilay niya na may absent na mga buhok.
"Hmm. That would be nice," sangayon niya.
Pumasok kami sa loob para masimulan na ang eyebrow enhancement. He lay down on a black leather couch. Nanginginig ang kamay ng babae habang nilalagyan ng tint iyong kilay niya. Napailing na lang ako. Sanay na ako sa ganoon. Halos lahat kasi nag babaeng nakakasalamuha niya ay napapa awang ang labi kapag nakikita siya. King is indeed handsome. Para siyang modelong lumabas galing sa magazine.
"How was it? Nakakangalay ng leeg," reklamo niya.
Natatawa ako sa hitsura niya dahil ang kapal kapal ng kanyang kilay. Para iyong ni-drawing-an ng pentel pen. Mabubura rin naman iyon mamaya. Gusto ko lang matakpan iyong poknat niya. Nakagat daw kasi siya noong maliit pa siya ng aso at ang mukha niya ang napuruhan. Buti hindi na-rabies iyong aso.
I hand him the mirror while laughing. Parang may delubyong dumaan sa kanyang mukha nang makita niya ang kanyang hitsura sa salamin.
"Hoy!"
"What?" I innocently asked him.
"Anong nangyari sa kilay ko? Ang gwapo gwapo ko bago pumasok dito tapos ganito? Anong na-enhance diyan?" yamot na litanya niya.
Tawa lang ako ng tawa. Namumula na kasi siya sa galit. Parang niruyakan ang pagkatao niya kung makapag complain siya.
"Pogi mo nga lalo eh," pang aalo ko. "Mas bagay iyan sa'yo."
"Anong pogi diyan? Nagmukha akong si Kuro Chan. Kailangan pa naging pogi si Kuro Chan?"
Naputol ang pag ngu-nguyngoy niya nang bumalik ang babaeng akala niyang lumapastangan ng kaniyang kilay. Sinensyasan ko siya na magrelax dahil sa mukha nito ay gusto na niyang bugahan ng apoy ang babae.
I gave him the mirror again. Ang kaninang busangot ay napalitan ng ngiti.
"There you are. The handsome King came back," sabi niya habang hinihimas himas ang kanyang baba.
"I told you, mas bagay iyan sa'yo."
I grabbed my bag and stood up. Maglalakad na sana ako palabas nang bigla niya akong halikan sa pisngi.
Pinang initan ako ng mukha.
"Thank you, my Queen," he sincerely said. Inakbayan niya ako at inakay palabas ng salon.
Why is he acting like this?