"Ang lalim nanaman ng iniisip mo?" Sambit ni Asha sa kaniyang kapatid na si Red. "Kanina pa yan." Tumatawang sambit ni Hunter. "Anong kanina? Kahaponpa yan siya ganyan." Sambit ni Coal. "What happened?" Tumatawang sambit ni Slate. "Ewan ba diyan, nauuto nanaman e." Natatawang sambit ni Hunter. Up until now ay hindi pa rin nawawala sa isip ni Red ang imahe ng magandang mukha ni Shannara. He already saw it pero hindi niya matandaan kung saan ang unang beses. "Familiar talaga e." Bulong ni Red. "Alin ang familiar?" Taas kilay na sambit ni Asha kaya bahagyang nagulat si Red at napailing. "Wala wala." Sambit nito. "Lutang na lutang si gàgo." Nakangising sambit ni Rust. Mag kakasama nanaman kasi silang mag kakaibigan. Akala mo hindi nag kakasawaan at every week ay nag tatagpo. "Bakit

