SIMULA
Red has faced so many problems in life, as well as Shannara.
"Ano ba naman yan? Simpleng instructions hindi ka makasunod?!" Inis na sigaw ng Step Mom ni Red sa kanilang mayordoma.
Nakamasid lamang ang batang si Red sa nakikita niyang kaguluhan, gustuhin mang ipag tanggol ang mayodorma ngunit hindi niya maaaring gawin.
Siya ay bata pa lamang at hindi nararapat na sumawsaw sa pag uusap o kaguluhan ng nakatatanda sakanya. Yan ang turo ng kanilang Mayordoma.
"P-pasensya na po..." Nakayukong sambit ng Mayordoma nila habang nakatingin sa palad nito.
"Pasensya? Bakit? May magagawa ba yang pesténg pasensya mo?!" Muling sigaw ng kaniyang Step Mom.
At sa hindi inaasahang pangyayari ay nasaksihan ni Red kung paano maltratuhin ng kaniyang Step Mom ang kanilang Mayordoma.
"Pasensya, pasensya. Eto ang nararapat sa'yo!" Sigaw ng Step Mom ni Red sabay hagis ng isang kakukulong soup sakanilang Mayordoma.
Kitang kita ni Red kung paano mag simulang mamula ang balat ng Mayordoma nila, at dahil doon ay hindi na napigilan ni Red na makisali sa nangyayari.
"Stop it!" Sigaw ni Red at nagpunta sa harap ng Mayordoma.
"Red..." Suway ng kanilang Mayordoma na bahagya ring nagulat sa ginawa niya.
"At talagang nakikisali ka pa? Ke bata bata mo sumasawsaw ka na sa pag uusap ng nakatatanda. Ayan ba ang itinuturo sa'yo ng walang kwentang Mayordoma na ito!?" Sigaw ng kaniyang Step Mom.
"You're hurting her." Malamig na sambit ni Red sakanyang Step Mom.
"At anong pakealam mo?" Sabat naman ng kaniyang Step Mom.
Kahit noon pa man din ay talagang mainit na ang dugo ng kaniyang Step Mom sakanila ng Mayordoma kahit wala silang ginagawa.
Hinahayaan nalang din ito ni Red, nakasanayan at walang magawa dahil hindi niya rin naman alam ang rason.
"That's not how you talk to others." Matapang na sambit ni Red.
Akmang mag sasalita pa ang kaniyang Step Mom ng magsalita ang kaniyang Ama.
"Red has a point. Enough of what you're doing Cecila." Seryosong sambit ng kaniyang Ama na si Jack.
"Kumakampi ka ba sakanila?" Gulat at hindi makapaniwalang sambit ni Cecilia.
"Huwag mong ubusin ang natitirang bait at pasensya ko Cecilia." Nagbabanta ang boses ni Jack habang seryosong nakatingin sakanyang plato.
"You may go back to your room Euri. Gamutin mo yang lapnos at paso mo." Sambit ni Jack.
"Seryoso ka ba Jack?!" Sigaw nanamang muli ni Cecilia at akmang uulitin ang ginawa niya kay Euri ng biglang hinagit ni Jack ang kamay nito.
"Sa oras na isaboy mo ulit yan at madamay ang anak ko, lalayas ka sa pamamahay ko." Seryoso at muling nag babanta na sambit ni Jack habang matalim ang tingin sakanyang asawa na ngayon ay nakakaramdam na ng takot.
"F-fine!" Sigaw ni Cecilia at nag walk out na sa kanilang hapag kainan.
"I'm sorry for what she did Euri." Sinserong sambit ni Jack kay Euri.
Tahimik lamang nakamasid si Red, hindi siya tànga para hindi mapansin ang pakikitungo ng kaniyang Ama sakanilang Mayordoma.
Matalinong bata si Red, he just wants to know the truth.
Akmang aalis na si Euri ng magsalita si Red. "I'm going with our Mayordoma, I'll help her." Malamig na sambit ni Red at hindi na hinintay ang sagot ng kaniyang Ama.
"Red, mali ang ginawa mo kanina." Pangangaral mi Euri kay Red dahil sa pag sali nito sa usapan ng matatanda kanina.
"Pero Euri..." Nakangusong sambit ni Red.
Sa tuwing kasama ni Red si Euri ay magaan ang loob niya, kay Euri lang din niya naipapakita ang kaniyang emosyon.
"Kahit na sabihin mong gusto mo lang ako ipagtanggol... That's not how you talk to your step mom ha? Bata ka pa, hindi ka dapat sumasagot sa nakatatanda." Dagdag ni Euri.
Mas lalong humaba ang nguso ni Red, "That's the first time I saw how she hurt you, at ayaw ko nun." Seryosong sambit ni Red.
"Hindi mo kailangan ipag tanggol ako, baka mamaya ikaw ang pag initan nun." Sambit ni Euri.
"I don't care, I'm still mad at her." Seryosong sambit ni Red.
******
"I want you to take business administration as your course." Seryosong sambit ng kaniyang Ama na ngayon ay pumasok na ng tuluyan sa study room niya kasunod ang kaniyang Ina.
"I already told you Mom, Dad. I want to take Psychology as my course. That's what I want." Seryosong sambit ni Shannara.
"Take a Business Ad course or else we're not gonna support all your needs" Nagbabanta ang boses ng kaniyang Ama ngunit hindi nag patinag si Shannara doon.
"I'm not scared. Ang gusto kong course ang kukuhanin ko. Hindi kayo ang mag aaral kaya wala kayong karapatang krontolin at pilitin ako sa bagay na ayoko." Galit na sambit ni Shannara.
And after she said those words ay nakatanggap agad siya ng magkabilang malalakas na sampal sakanyang pisngi.
"Masyado ng tumatalim ang ibibig mo. Yan ba ang natututunan mo sa paaralan mo? Ang maging bastos at walang modo?!" Sigaw ng galit niyang Ina.
"Sa oras na hindi mo kuhanin ang kursong gusto namin, hindi na kita anak at hindi na kami susuporta sa pangangailangan mo." Sambit ng kaniyang Ama bago tuluyang lumabas ng kaniyang study room.
Napatulala na lamang si Shannara sa harap ng pinto.
"Fine!" Sigaw ni Shannara na bup ang desisyon at loob na mag take ng Psychology as her course.
Matapos makapag isip at makapag desisyon ni Shannara ay agad siyang nag book ng flight pauwing Pilipinas.
And since Shannara new na may modeling company and work siyang babalikan ay malakas ang loob niya. She just needs to study while doing her work and modeling.
Malapit naman na siya makapag tapos ng Senior High School at mabuti nalang tumatanggap ang school niya ng online class kaya mas naging madali sakanya ang pag uwi.
Before she decided to leave her family, cut ties with them and leave her hometown ay nag iwan siya ng isang sulat na tanging mag sisilbing pag papaalam niya sakanyang magulang.
"Hello Philippines, and hello world!" Nakangiting sambit ni Shannara pag lapag ng kaniyang eroplano sa Pilipinas.
Hindi alam ng parents ni Shannara na mayroon siyang condo sa Pinas at may trabaho siya.
Shannara is already 18 years of age. Legal age in the Philippines and she's not a minor anymore.
She can provide to her self, kaya niyang mag aral at mag trabaho dahil wala siyang choice kundi ang gawin iyon.
She wants to pursue Psychology at ayaw na niyang maging puppet ng kaniyang controlling na magulang.
"This feels like home." Sambit ni Shannara habang nag lalakad palabas ng airport.
Wala siyang pinag sabihang uuwi siya bukod sa kaniyang Manager at Ate-atehan niya.
Hindi rin siya nag pasalubong sa airport dahil gusto ni Shannara na mapag isa at mag explore munang muli sa Pilipinas.
Matagal tagal na rin ang huling punta niya rito, almost 2 years at buti nakang hindi siya binibitawan ng kaniyang Manager at Company.
"Welcome back." Basa ni Shannara sa text ng kaniyang Manager na si Iliana.
to: Manager Iliana D.
long time no see huh?
from: Manager Iliana D.
I knew what you did. can you handle it?
to: Manager Iliana D.
I have no choice, guide me please.
from: Manager Iliana D.
dàmn, as expected haha!
And as time goes by, mas lalong hinuhubog si Red at Shannara ng panahon at pangyayaring nararanasan nila.
Na sa murang edad pa lamang nila ay natuto na silang mag trabaho at kumita ng pera para may maipang taguyod sila sa pang araw araw na buhay nila.
Red is a college student, nag iipon habang sumasideline bilang auto racer dahil gusto niyang makaalis na sa puder ng kaniyang Ama kasama ang buong akala niyang Mayordoma lang nila na Nanay niya pala.
While Shannara is still a grade 12 student, graduating at pinag sasabay ang modeling sa pag aaral in order for her to go to college and pursue her dream to become a psychologist and have a clinic someday.