A Billionaire's LoveUpdated at Nov 17, 2025, 00:04
Growth requires us to leave something behind. It can be our habits, beliefs, mindset, and even people. This is why creating space for grief in the midst of growth is important.You will mourn your former life to make space for a newer you. Let go if it no longer serves a good purpose. There's still a lot to look forward to in this life than being stuck in the same old cycle.“If you want Genevieve to come back, be a MAN.” Seryosong sambit ni Kuya Salvius.Hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy niya. I am being a fucking man. Ano pa bang kailangan kong gawin at patunayan?“If you want to grow, you have to seek change. Change your routines, way of thinking, habits, and actions.” Seryosong sambit ni Kuya Salvius.“Naiintindihan ko na naguguluhan at nalilito ka pa rin sa nangyayari at sa nararamdaman mo. Hindi masamang mag tanong.” Dagdag pa niya.I was so lost. Mas lalo lang ako naguluhan sa kung ano ba talaga ang pinupunto niya.“I don't get it.” Reklamo ko habang seryosong nakatingin sakanya.“Of course you don't get it. Bago lahat sa'yo, at hindi ka rin sanay na ganito.” Natatawang sambit ni Kuya Salvius habang naka kibit ang kaniyang balikat.“Nung umalis na parang bula si Genevieve, anong naramdaman mo?” Tanong ni Kuya Salvius dahilan para mapaisip ako.Ano nga ba ang naramdaman ko?“Hindi ko alam, pero parang may kulang, may nawawala.” Seryoso ngunit mahina kong sambit.“You know why? Kasi kahit itanggi mo, kahit sabihin mong hindi, alam mo at alam nating lahat na naging parte, o should I say, parte pa rin siya ng buhay mo.” Natatawa niyang sambit.“Aminin mo man o hindi, si Genevieve ang dahilan bakit naging okay ka, kung bakit nagkaroon ng kulay yang walang buhay mong pagkatao.” Nakangising sambit ni Kuya Salvius.He's right, nang mamatay ang parents ko ay mas lalo lang akong naging bato, nawalan na ng kulay tuluyan ang buhay ko. Parang iisang direksyon lang ang nakikita ko, at yun ay ang mapalago ang trabaho.Hindi ko na naisip ang sarili ko, miski ang kalusugan o kasiyahan ko ay nabalewala nalang. Sa pag tatrabaho at pag papalago ng kumpanya ang naging focus ko. Hindi ko na makuhang pumarty o makipag usap sa ibang mga tao na hindi related sa trabaho.Nabuhay ako na puro trabaho ang iniisip, not until Genevieve came. Nagbago ang lahat, yung dating walang kulay na buhay kobay unti unting napapalitan, nagkakaroon ng liwanag. Na kahit ako mismo sa sarili ko ay hindi matanggap, hindi makapaniwala.“Everything changed when Genevieve came, right?” Tanong ni Kuya Salvius kaya seryoso akong tumango.“In denial Jerk.” Dagdag ni Kuya Salvius kaya bahagya akong natigilan at mapaisip.