Simula
“Ate Inaraaaaa!” Sigaw ni Ziyyo habang mabilis na tumatakbo papunta sa akin.
“Be careful Ziyy.” Tumatawa kong sambit at mabilis siyang niyakap.
“How’s your school?” Malambing kong tanong sakanya.
“It’s fine. Next time come with me ha?” Sambit niya kaya tumango ako.
They know how to speak in tagalog dahil ang Magulang nila ay may lahing Filipino pero never silang naka uwi sa Pilipinas. Marunong lang sila ng language.
“Anong meryenda gusto mo?” Natatawa kong tanong.
“Uhhh, banana bread with nutella please.” Maligalig niyang sambit kaya ngumiti ako.
Agad ko namang ginawa ang request niyang Banana bread with Nutella. “Here you go.” Sambit ko at saka maingat na ibinaba sa lamesa at saka siya pinag handa ng isang malamig na juice sa kaniyang favorite na baso.
“Saan ka galing Raffayel?” Tanong ko nang mapansin na mukhang kauuwi lang ni Raffayel. Wala naman siyang pasok at klase ngayon dahil kabisado ko ang kaniyang schedule.
“Nag pahangin lang.” Seryoso niyang sambit at nag iwas ng tingin.
Sa tagal ko ng nandito ay kabisado ko na agad kung nag sisinungaling ba si Raffayel sa akin o hindi. Napansin ko rin na may pasa siya sa gilid ng kaniyang pisngi at labi kaya tumango nalang ako.
Aasikaasuhin ko muna si Ziyyo at kapag tapos ay siya na ang pupuntahan ko sa kwarto niya. Paniguradong nakipag buno nanaman siya o kundi man ay binully nanaman siya. Mukhang napag initan sa sobrang talas ng kaniyang bibig.
“Where’s Raffayel?” Seryosong tanong ni Ruan na kakapasok lang sa kusina.
“Nasa kwarto, kakatingin ko lang. Natutulog pa.” Seryosong sambit ko kay Ruan kaya agad na napa kunot ang noo ni Ziyyo.
“Eat ka na baby, don’t mind kuya shhh.” Tumatawa kong sambit na agad namang nagets ni Ziyyo kaya tumango siya.
“What do you want to eat?” Tanong ko kay Ruan na naupo na sa kaniyang pwesto.
“Just the usual.” Seryosong sambit niya kaya tumango ako. He’s not in the mood, I knew it.
Hindi na ako kumibo at agad na rin kumilos.
Nilalabas ko na ang mga kakailanganin ko gaya ng, itlog, gatas, tinapay, at prutas. Isasabay ko rin ang pagkain na dadalhin ko kay Raffayel.
Habang pinapainit ko ang kawali, nagsimula na akong magbati ng itlog. Scrambled egg ang una kong niluto. Dinagdagan ko ng kaunting gatas at konting asin para mas creamy at malambot ‘yung itlog.
Pagkatapos, nilagay ko na sa kawali at hininaan ko lang ‘yung apoy para hindi masunog. Hinahalo-halo ko habang pinapakinggan ‘yung tahimik na tunog ng sizzling sa mantika. Sobrang satisfying. At habang niluluto ko ‘yun, iniinit ko na rin ‘yung tinapay sa toaster. Ayaw kasi ng mga ‘to ng malamig o matigas na bread, gusto nila mainit at malambot.
Pagkatapos ng itlog, naghanda na rin ako ng prutas.
Saging at mansanas muna ngayon. Hiniwa-hiwa ko ng maayos at nilagay sa isang maliit na bowl. Gusto ko kasi na colorful ‘yung plate nila para nakaka-engganyo kumain. Habang ginagawa ko ‘yun, naisip ko rin na idagdag ang paborito nilang choco drink.
Niluto ko na rin sa maliit na saucepan ‘yung gatas, tapos nilagyan ko ng chocolate powder, hinahalo-halo ko hanggang sa matunaw ng maayos. Ang bango, nakakagutom.
Nang makaluto ay agad ko nang inayos ang table. Nilagay ko na ‘yung scrambled eggs sa plato, tinapay sa gilid, prutas sa isang bowl, at ‘yung choco drink sa maliit na tasa. Nilagyan ko ng placemat na may design ng cartoons para masaya silang kumain.
Sa akin kasi, hindi lang basta pagkain ‘to. Para sa akin, expression ‘to ng pag aalaga. Kasi kahit simple lang, gusto kong maramdaman nila na may nagaalaga sa kanila nang buong puso.
“Here you go.” Sambit ko at saka pinag timpla na rin ng mainit na kape si Ruan.
“Hindi ba umuwi sila Dad kagabi?” Tanong niya.
Simula ng dumating ako dito ay tagalog kung kausapin nila ko. Yun kasi ang kagustuhan ng magulang nila.
“Hindi. Nag text kagabi, mag iisang buwan daw sila doon at tayo muna ang dito.” Seryoso kong sambit.
“Okay, I need to go.” Sambit ni Ruan at lipitan ako at saka tinapik ang aking braso na ikinagulat ko.
“Ru.” Mahina kong sambit.
“Ziyyo. Be a goodboy ha?” Sambit ni Ruan kaya tumango lamang si Ziyyo.
Maaga kasi ang pasok at uwian ni Ziyyo. Simula 6:30 hanggang 10:30 lang kaya sumasakto pa rin siya sa breakfast ng iba niyang kapatid.
“I’m sleepy ate.” Sambit ni Ziyyo at saka lumingkis sa aking hita kaya napangiti ako.
“Come here na. Dalhin na kita sa kwarto mo.” Nakangiting sambit ko at bahagyang tumawa.
Nang makarga ko na si Ziyyo ay agad siyang yumakap sa akin para matulog. Mukhang antok na antok na ang bata.
Nang mapatulog ko na si Ziyyo ay muli akong bumaba para kuhanin ang pag kain ni Raffayel at para kumuha na rin ng gamot para sa mga pasa niya.
Bahagya akong kumatok at binuksan ang pinto.
“Raf?” Mahina kong sambit habang maingat na binaba ang pag kain na dala dala ko.
“Kumain ka na muna.” Sambit ko at saka siya nilapitan.
“Alam ko nangyari sayo. Huwag kang mag alala hindi ko sasabihin sa kuya mo.” Seryoso kong sambit.
Mahirap paamuhin si Raffayel, yan ang una kong napansin sakanya noong una kong dating dito. Galit din siya sa akin at talagang matabil ang kaniyang dila pero habang tumatagal ay nagiging okay naman na siya sa akin.
“Ano bang nangyari?” Tanong ko habang inaayos ang mga gagamitin ko para gamutin siya.
“Sila naman nauna e. Nananahimik ako biglang kakantiin.” Inis na inis niyang sambit at halatang nag pipigil pa rin ng galit.
“Bakit?” Tanong ko.
“Nakita ka kasing kasama ni Ziyyo last week. Binabastos ka.” Seryosong sambit niya na ikinatahimik ako.
“Ayoko sa lahat may naririnig o nakikitang binabastos. Lalo ka na.” Seryosong sambit niya.
“Hindi mo naman need naipag tanggol ako. Okay lang naman sa akin na ginaganon ako at hindi naman nila alam kung sino talaga ako.” Seryosong sambit ko habang marahan siyang ginagamot sa kaniyang pisngi.
“Aw.” Angal niya ng sumalat ang ginagamit ko.
“Sorry.” Natatawa kong sambit.
“Sa susunod ay kung may naririnig kang ganon, okay lang na ipag tanggol pero huwag kang makikipag buno ha?” Pangaral ko.
“Pag narinig at nalaman ni Ruan yan ay ikaw naman ang bibinggo dun.” Napapa iling kong sambit.
“Impossible. Unreasonable na siya kapag nagalit siya e tungkol sayo.” Mayabang niyang sambit kaya napangiti ako.
“Ikaw kaya prinsesa namin dito kahit ikaw nag aalaga sa amin.” Tumatawa niyang sambit.
“Ay sus. Basta sa susunod kapag ganon mas okay na kausapin ha?” Sambit ko at tumango siya.
“Napikon lang talaga ako kanina kasi hindi ko expected na ikaw yung babastusin. Kahit nga ako nung unang dating mo dito ay hindi nga kita binastos tapos silang bagong kakakita lang sayo grabe kung pag salitaan ka.” Mabilis niyang sambit kaya bahgya akong napatawa.
“Loko loko ka talaga.” Nakangiti kong sambit.
“Osya, kumain ka na ha. Tapos na gamutin yang sugat mo.” Seryoso kong sambit kaya tumango siya.
“Can you stay here for a while?” Tanong niya kaya nagtaka naman ako.
“Why? Anong kailangan mo?” Tanong ko.
“Assignment lang ate.” Sambit niya at nag iwas ng tingin kaya bahagya akong napangiti.
“Hindi mo naman kailangan mahiya sa akin. Kapag may problema o kailangan ka ay palagi lang akong nandito. Tutulungan kita, bilang ate mo.” Nakangiti kong sambit.
“Thank you. And I am sorry for everything that I did back then.” Sinserong sambit niya kaya napangiti ako.
“Naiintindihan ko naman yun. Syempre you need to built your walls higher kais baguhan ako at malayo sa mga dating katulong na nag aapply para alagaan kayo.” Sambit ko at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok.
“Are you really sure na Yaya ka lang?” Taas kilay niyang sambit.
“Oo naman. Masaya kaya maging yaya.” Naka ngiti kong sambit.
“Hindi ba mahirap?” Tanong niya.
“Palaging inuutusan, hindi pa hawak ang pahinga.” Sambit niya.
“Nag eenjoy naman ako. Saka hindi naman kayo ganon. Kung tutuusin ay hawak ko pa nga ang oras ko at desisyon kasi tinatanggap niyo naman kung ano lang nagawa o ginagawa ko.” Kibit balikat kong sambit.