Kabanata 22 Mag-iisang oras nang tulog si Lorraine ngunit nanatili pa rin ako sa tabi niya. Malakas kasi ang kutob ko na nasa labas lang si Lucas, waiting for me to come out. Nag-iisip pa ako ng mga makabuluhang itatanong ko mamaya kay Lucas. Labis rin ang pagpapakalma ko sa aking mga ugat upang hindi mauwi sa disgusto ang pag-uusap namin. Habang nasa kailaliman ako ng aking isipan ay narinig ko na lamang ang marahang pagbukas ng pinto. Lucas entered inside. He seems can't stand the pace and unable to hide how guilty he is. Dammit! Bakit parang sinasabi ng mga mata niya na may kasalanan siya? Mayroon nga ba? Hindi ko na ito hinintay na magsalita at dahan-dahan akong umahon mula sa kama ni Lorraine. Nagpatiuna akong lumabas at tumungo sa kabilang kuwarto kung saan ang silid-tulug

