Kabanata 21 "Bah.. ganda ng singsing mo, Alameda, ah!" Puri ni Andrew sa singsing na nasa aking daliri. Buhat nang umalis kami mula Maynila ay ito na ang pinagkakaabalahan ko. Actually, nagmumukha na nga akong temang dahil tatlong araw na ang nakakaraan mula noong nag-propose si Lucas pero hindi pa rin ako nagsasawang tignan ang singsing. Being engage to him has given me a new lease of life. Sana tama nga iyong desisyon ko na tanggapin ang marriage proposal niya bagama't parang ang bilis ng mga pangyayari. "Masaya ako para sa inyo ni Gov, sa wakas ay napikot mo na rin siya." Natatawang dagdag ni Andrew. I made an eye to eye contact with him through the rear-view mirror of the car at sinamaan siya ng tingin. "Grabehan lang? Pikot talaga? Tch! Itong ganda kong ito, ako pa talaga iy

