Satana's Pov "Buti na lang talaga at dalawang minor subject na lang ang itetest natin mamaya pagkatapos ng lunch break." Umiinat na sinabi ni Alice nang makalabas na ng classroom ang proctor namin para sa UCSP. To: Aeious ❤ Tapos na 'yong exam namin sa UCSP. Papunta na kami sa cafeteria. Nang maisend ko na 'yong text message sa kanya ay iniligpit ko na kaagad ang mga ginamit ko para sa pagtitake ng exam at inilagay muna 'yon sa 'king bag. "Ay, walang pagsundo si Pres ngayon?" Lily directed her question to me as we walked outside our classroom and so no Aeious, in his usual spot. Nagkibit balikat lang ako nagsabi naman kasi s'ya kanina na sa cafeteria na lang kami magkita. "Busy siguro, alam mo namang madaming ginagawa si Aeious." Alice mumbled. Sumulyap s'ya sa 'kin n

