Satana's Pov I am starting to hate myself for being so moody. Galit ako sa kanya ayaw ko s'yang makita kaya hindi ako pumayag na ihatid n'ya ko. Pero noong hinayaan n'ya na lang akong umalis at sumakay ng tricycle pauwi mas lalo akong nakaramdam ng galit. Dapat di ba pinilit n'ya ko? Galit ako dapat sinuyo n'ya ko pero hinayaan n'ya lang ako. Ibig sabihin lang no'n ay wala talaga s'yang pakialam sa 'kin. I hate him, I hate him so damn much. "Hija, nar'yan ka na pala si Elias ba hindi mo kasabay?" Tumigil ako saglit para kausapin si Manang Fe na nagwawalis sa tapat ng bakuran. "May practice game pa po s'ya." Tumango s'ya at magtatanong pa sana ulit kaya lang ay nauna na 'kong nagmartsa papasok ng bahay at dumiretso na sa kwarto ko. The thought that lingering in my mind abou

