Chapter 1
Hindi natin maisip na pwede palang mangyari ang isang bagay tulad na lang saamin ng boy best friend ko ngayon na halos parehas ang araw at oras kailan kami pinanganak.
Ako May 04,2003 10:29 am ng umaga and my best friend born also May 04,2003 10:30 am in the morning.Diba para kaming kambal yan ang sabi ng nakakarami pero hindi.
Ang mama ko at mommy niya ay matalik na mag kaibigan at hindi niyo din natatanong ay parehas din sila ng time, araw at year pinanganak.O diba parang tadhana nga naman.
Laging kaming mag kasama ng kaibigan ko na mag celebrate ng birthdays namin and my best friend name Lyndon Lee Pimentel and hindi ko din pala napapakilala ang sarili ko ,ako pala si Cassy Elle Garcia.
Kaya lagi kaming mag kasama tuwing celebration ng birthdays namin ni Lyndon kasi may beach house ang parents nila sa San Juan at tuwing summer doon din kami pumupunta.Actually parang doon na ako tumira at lumaki dahil parati kaming pumunta doon nila mama,papa yung nakababata kong kapatid na si Rafael ,Lyndon at sila Tita Clara ,Tito Frank and Lyndon's eldest brother Lucas.
Now we celebrate our 16th birthday also in the beach house of Lyndon's parents.And i expect na magiging happy ang birthday namin ngayon na halos every year naman ay masaya pero ngayon ay puro iyak ang ginawa ko dahil my mother passed away.
Hindi ko rin pala nabanggit na may sakit ang mama ko since nung pinanganak niya yung kapatid ko na si Rafael.
Nag paalam siya saakin na iiwan na niya kami at ako nang bahala sa pamilyang iiwanan niya pero tumanggi ako dahil si mama ang lagi kong pinag sasabihan ng mga problema ko at even mga crush ko pero sa nakikita kong lagay ng mama ko na nahihirapan na talaga siya ng sobra at kinaya niya pang mabuhay para makasama kami ng matagal.Lahat tiniis niya para lang makasama ako ngayong 16th birthday ko kaya sinabi ko sa kanya na ako ng bahala at mag pahinga na siya at gusto ko ding mag paalam siya na walang pag sisisi dahil yung mama ko ay sapat na ang ginawa niya para sa pamilya namin at alam ko hindi lang ako ang mas grabe ang sakit na nararamdaman dahil kitang kita ko sa mata ng aking papa ang sobrang sakit pero pinapakita niya parin na matatag siya sa harap ng mama ko.
At ilang minuto lang pagtapos ng birthday ko ay pumanaw na ang aking mama.
Simula pumanaw ang aking mama ay laging pumunta si Lyndon at si Tita Clara sa bahay namin para kamustahin kami.Parang naging nanay ko na din si Tita Clara dahil lagi na din akong nag kwekwento sa kanya simula nung nawala si mama.
Lagi nilang sinasabi pag mas lalo akong nagiging dalaga ay parang xerox copy ko si mama dahil kamukhang kamukha ko siya at agree naman doon ang papa ko.
Malapit na ang pasukan at 4th year highschool na kami ni Lyndon at malapit lapit na kaming mag Senior High at wala pa kaming naiisip na strand na kukunin namin dahil gusto namin na mag kaklase kami at parehong pwede sa gusto naming course pag college na kami at susulitin nanamin ang isang linggong bakasyon bago nanaman ma stress sa school.Pumunta kami sa beach house at kaming tatlo lang pupuntang mag kakasama ,ayaw pa nga ni Tita Clara dahil baka daw kung akong gawin namin at isa pa medyo malayo sa mga bahay namin.Sa San Juan La Union pala ang beach house at ang lugar naman namin nila Lyndon ay dito sa SanFernando La Union.Nasabi kong medyo malayo dahil malawak ang La Union at buti nalang may sarili ng kotse si Lyndon at nagiging service namin papuntang school at kung saan man kami pumunta.Sana all sa kaibigan kong yan dahil lahat ng gusto niya na kukuha niya dahil mayaman ang family nila at kami ay wala pa atang kalahati sa yaman nila,pero okay lang as long as masaya kami.
Mas nauna ng nakarating ang kuya ni Lyndon na si Lucas.Si Lucas pala ay isang taon ang agwat namin sa kanya ,kaya minsan hindi siya nakikisali saamin dahil para daw kaming bata ni Lyndon.Napaka seryoso kasi ng Lucas na yan at bakit pa sumama kung hindi rin naman mag eenjoy.
Lagi akong binubwisit ng Lyndon na yan at nakita niya yung bag ko na may laman na dalawang bra.
"Hahaha seryoso kaba Cassy ,iba atang bag ang nakuha mo at bakit merong bra yang bag mo"sabay kuha at bininat binat niya ito at bilis kong agawin sa kanya.
"Hoy excuse me babae ako no kaya may bra ako at isusuot ko yan"sabay irap sa kanya.
"Hays Cassy wag mo ng pahirapan ang sarili mo dahil mapapagod kalang dahil wala namang pag kakapitang yang bra mo"sabay flex sa bra ko na ang laki ng foam,well tama naman siya dahil sa totoo lang napapaisip din ako babae ba talaga ako dahil wala talaga akong dede ,pero meron naman pero hindi halata.
Nakita ko naman na naka dungaw si Lucas sa bintana at nakita ni Lyndon kaya simigaw niya sa kuya niya na may bra ako ay wala daw pag kakapitan at nakita kong tumawa si Lucas and first time ko siyang makitang tumawa na nakalabas ang ngipin and well napaka gwapo niya at ang layo sa best friend ko ang itsura at mga galawan niya.
Kung si Lucas ay cool ,gwapo,ang laki ng katawan ,matangkad ,mahilig sa sports,halos lahat ata ng babae mag kakandarapa ,may dimple at mistiso ,sa totoo lang ang puti niya sobra at kabaliktaran naman sa kapatid niya.Si Lyndon lampa kaya di sumasali sa sports at pag dradrawing lang nag hilig niya,gwapo naman pero mas gwapo kuya niya ,payatot , wala masyadong nag kakagusto dahil ang grabe siya mag react pag may nag kakagusto sa kanya,at syempre maputi rin siya dahil nasa lahi ata nila ang pagiging maputi.
Nilagay ko sa leeg ni Lyndon ang bra ko na hawak hawak niya dahil grabe na ang pang aapi niya saakin at kaibigan ba talaga ako.Nahihiya tuloy ako kay Lucas dahil sa ginawa ng kaibigan ko.Bakit ba naman kasi pinagkaitan ako ng malaking dede pero okay lang at least hindi ako mahihirap pag tumatakbo ako dahil mahilig din ako sa sports ,dancing and writing stories.
Ang bilis ng araw at sobra kong na enjoy ang last week ng summer vacation ko at ngayon mag reready na kami sa pasukan sa paaralang FLYN NATIONAL HIGH SCHOOL.Short cut nalang sa Flyn dahil ang haba naman masyado.Dito pala ay private school dito sa SanFernando La Union at sikat na sikat na school.Ayaw ko sanang dito mag school pero may promise kami ni Lyndon at may rule kami.
Rule no.4 :same school until college .Kaya wala na akong nagawa at thankgod at buti nalang may scholarship ako at tinulungan din ako ni Tita Clara sa mga expenses dito sa paaralan dahil baka di kayanin ng papa ko lalo na dalawa kami ng kapatid ko na ang aaral.