Ang bilis ng araw at friday na ngayon at huli ko ng paglilinis dito sa library ng matapos ko ng maglinis ay umupo muna ako at kumuha ng libro para mag basa.Actually mahilig ako sa books at gumagawa din ako ng story pero hindi ko lang matuloy tuloy dahil ang busy ko sa school at sa practice namin ng volleyball at pagsasayaw.
Habang nag babasa ako may kumalabit sa likod ko at may iniabot siyang isang papel at sinabi niyang binabibigay ng lalaki sa likod.Nilingon ko kung saan galing at kay Kyle pala at yumuko siya.Binuksan ko yung nakatuping papel at binasa ko yung naka sulat.
"Cassy i am so sorry ,alam kong hindi sapat ang sorry sa ginawa ko sayo nung monday at sabihin mo lang yung dapat kung gawin para mapatawad mo ako :("
Mabait din si Kyle pero diko alam bakit na gawa niya iyon at maganda rin naman dahil nag sisisi na siya sa ginawa niya saakin at naka isip ako ng paraan kung anong ipapagawa ko sa kanya para mapatawad ko siya.Alam kong hindi niya gagawin ito dahil mapapahiya iyon pero laking gulat ko at ginawa niya nga.
Sinabi ko sa kanya na mag suot siya ng skirt Sobrang lakas ng tawa ko at mga tao sa library dahil nag model model pa siya at nakita ko sa likod ay nandon pala si Lucas at ang sakit ng tingin kay Kyle at pagtingin ko sa kanya ay iniwasan niya ako.
Hindi ko alam bakit ganun ang reaction niya.
May hiniling pa si Kyle at para maka pag sorry pa siya ng maigi at mag kikita kami sa plaza dito sa SanFernando at nag oo naman ako dahil alam kong wala naman siyang masamang gagawin.
"Hahahaha talagang ginawa niya iyon sa maraming tao pambihara naman"
Kinuwento ko kay Lyndon ang nangyari sa library kanina at sinabi ko rin sa kanya na mag kikita kami mamayang 7 pm.
Umuwi na nga kami at sinundo ako ni Lyndon sa labas ng bahay at ihahatid niya ako sa Plaza.
Nakarating na nga kami doon .
"Okay ka lang kung iiwan na kita dito"
"Oo naman ano kaba "
"Mag text ka saakin pag may masamang mangyayari okay or pag pauwi kana message mo ako"
"Oo wag kang mag alala magiging okay ako"
Nag paalam niya siya at umalis.
Masyadong maalalahanin itong kaibigan ko na ito parang si papa kong mag salita at mag sabi ng mga bilin.
Actually hindi ako komportable na mag isang lumalabas at nag sstay sa isang lugar natatakot parin ako dahil hindi ako sanay.
Dalawang oras na ang nakakalipas pero hindi sumipot si Kyle sa tagpuan.Laking inis ko dahil ang sakit sakit na ng paa ko sa kakahintay sa kanya.Kaya nag text na ako para sunduin ako ni Lyndon at buti nalang at pumunta siya agad at sinabi kong sa dumaretso na kami Mall sa CSI mall para mag palamig muna dahil nag iinit ang ulo ko.
"Hays Lyndon siguro talagang walang lalaking gustong makasama ako no kaya hindi sumipot si Kyle"
"Ano kaba Cassy hindi totoo yan ,torpe lang yung lalaking iyon matapos kang ganyanin nagawa pa niya iyon."
Nag laro kami sa Mall sa Arcade . Paborito namin ay yung sa dance dance na parang piano pero paa yung gamit namin.Kami lagi ang highest score doon at parang saamin na yun dahil kung mag laro kami doon ay napakatagal.
Habang nag lalaro kami ay dumating si Kyle.
"Ang lakas mong ipakita ang pagmumukha mo dito Kyle matapos mong paghintayin ng dalawang oras sa plaza si Cassy"
"I am really sorry ,i really need to talk to Cassy "
"Okay lang Lyndon"
"Humanda ka saakin "pagbabanta ni Lyndon sabay alis sa gawi namin.
"Hindi ko intensyon na hindi pumunta pero may nagbanta saakin na wag pumunta dahil kawawa nanaman ako aa bugbug pag tumuloy ako"
"What!!at sino naman ang taong yan "
"Si Lucas ,siya ang nagsabi na wag akong pumunta and even yung mga lalaking nag kakagusto sayo at gusto kang ligawan ay tinatakot din ni Lucas "
"Oh my gosh ,what the heck walang sense yan dahil bakit gagawin yun ni Lucas"
"That's true marami na rin ang balak na gustong makasama ka na lumabas pero hinaharangan ni Lucas"
Hays si Lucas nga naman kaya pala ang lakas ng apog niyang sabihin na walang nanliligaw ko nag babalak na yayain akong lumabas ay kagagawan niya pala ang lahat ng ito.
At nakita ko ding nasa gilid lang pala si Lyndonnat nakikinig sa usapan namin ni Kyle at hindi rin siya makasalita sa mga nalaman niya.
Pag ka uwi ko sa bahay ay agad agad kong tinawagan yung Lucas na yun.
"Hey Elle what's up"
"Don't call me Elle ,gusto lang sabihin sayo na hindi kita papa para saibihin mo ang gagawin ko ,hindi kita tatay para kontrolin ang buhay ko and even sa mga lalaking nanliligaw saakin wala kang karapatan para gawin iyon"
"Oh easy ka lang ,nabingi na ata ako sa lakas ng bunganga mo,anong masama dun sa ginawa ko diba"
"Anong walang masama ,yung pagiging feeling papa mo saakin ay tapos na okay wag ka nang mangialam sa buhay ko wala ka na doon."
"Okay well see , hindi ko yan maipapangako"
"Jan ka na nga nakakainis ka talaga super "
"Bye sweet dreams "
"Teche "sabay patay sa phone ko.
Sobrang nakakainis yung ganyang tao.Yung pinipigilan yung gusto ko pero well okay lang naman nakakainis lang dahil mas magaling pa siyang mag desisyon kaysa saakin.
At sa totoo lang kailan pa nag karoon ng interest saakin si Lucas e panay naman siya pambwibwisit saakin.Okay lang kung si Lyndon yung mambwisit dahil sanay na ako doon pero pag siya hay jusko.
Pero kidding aside gusto ko rin yung ginagawa niya.Crush ko si Lucas since nung bata kami pero may rule kami ni lyndon.Rule number 3,bawal maki pag flirt or relationship na kabilang sa both side ng family namin.Kaya pag tinititigan ko si Lucas ay laging pinapalala saakin ni Lyndon yung rule number 3 na yan.
Naalala ko pala malapit na ang intramurals at officer kami ni Lyndon sa SSG.Hindi pa pala namin alam kung ano ang gagawin o ipapalaro namin dahil fiesta naman ang theme namin ngayon.