LENNY NAPAIGIK siya sa sakit nang hilahin ni Leon ang buhok niya. Ultimo anit niya ay nahatak sa lakas ng pagkakahila nito. Wala naman siyang magawa kung hindi ang magpaubaya at sumunod. Lumabas sila ng kamalig at naglakad. Naglakad sila nang naglakad hanggang sa may isang bangkang maliit ang nakita niya sa ilog. "Sakay!" malakas na utos ni Leon sa kaniya. "Sumakay kana! Kailangan kitang ilayo. Panigurado, nakasumbong na sa pulis ang kasama mo. Tsk! Sana pinatay ko na siya agad para wala ng problema." Inis na inis na wika ni Leon. Parang tuod na sumunod na lang siya sa kagustuhan nito. Dahan-dahan siya sumakay sa bangka. Napatitig siya sa ilog, kung tumalon kaya siya? Napabuga siya ng hangin. Nakagapos ang kamay niya, malabong makakalangoy siya baka mapaaga pa ang kamatayan niya. "S-S

