AJAX TULIRO na siya dahil sa natanggap na tawag mula sa dumukot kay Lenny. Napag alaman niya na ito pala ay si Leon Bustamante isang bilanggo na nakatakas sa kulangan at ngayon ay pinaghahanap na. Nalaman din niya na ito ang suspek sa p******************g nila Lenny at pagtangkang pagpatay sa dalaga. Kung gano'n kailangan na talaga niyang gumawa ng paraan para maligtas sila Lenny. "F*ck! I'm so damn useless!" mahinang mura niya. Naramdaman na lamang niya ang mahigpit na kapit sa balikat niya, alam niyang si Nanay Ellen iyon. "May awa ang Panginoo, Anak. Mag antay tayo, nag iikot na ang mga pulis upang hanapin sila." Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa b****a ng pinto ng police station, nag aabang sa mga rumespondeng pulis. Bawat oras na lumilipas ay padagdag ng padagdag ang

