Chapter 13

3182 Words

HALOS manakit na ang mga binti ni Margaux sa paroo’t paritong paglalakad. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon. Pero isa lang ang sigurado niya: hindi niya magagawang i-terminate ang ipinagbubuntis niya. Anak niya ang buhay na pumipintig sa sinapupunan niya, hindi man niya kilala ang may-ari ng semilyang itinanim sa kanya. Hindi siya gagawa ng anumang bagay na ikapapahamak ng anak niya. Pero ano ang gagawin niya? Sabihin niya kay Miro ang lahat? Pero paano? Tatanggapin ba nito kapag sinabi niya na, “Miro, natakot akong mag-isa kaya naisipan kung sumailalim sa artificial insemination. Pero ikaw ang tanging lalaking pinagkalooban ko ng sarili ko. Alam mo ang bagay na iyan. Now, tatanggapin mo pa ba ako?” Kinastigo niya ang sarili sa naisip. That was ridiculous. Pero paano nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD