NAISIP ni Margaux na mamasyal mag-isa sa palibot ng hacienda o kung hanggang saan ang kaya niyang abutin. Wala kasi si Miro. Pagkatapos nilang mag-almusal ay sinundo ito ng isang tauhan dahil may problema yata sa manggahan. Pahapon na pero hindi pa ito bumabalik, kaya mamamasyal na lang siya tutal naman ay hindi na ganoon kainit. Nagsuot siya ng kumportableng sneakers sa mga paa niya. Shorts at baby tee naman ang damit niya. Itinali niya ang buhok para hindi niya problemahin iyon. Mahangin kasi sa hacienda kaya nasisiguro niyang ililipad iyon ng hangin kapag hinayaan niyang nakalugay lamang. Hindi pa siya nakakalayo ng mansion nang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan si Miro sakay ng isang brown stallion. Umawang ang mga labi niya sa paghanga sa hitsura ng binata. Napakatikas nitong

