Chapter 11

2313 Words

“KANINA ka pa gising, `no?” ani Margaux kay Miro. Nang magising siya ay magkayakap pa rin sila ng binata. Medyo naiilang siya sa posisyon nilang iyon, pero sa huli ay pinili niya huwag magpakaipokrita pa—gusto niya ang ganoon. Masarap palang ipikit at imulat ang mga mata na nakakulong ka sa mga bisig ng isang lalaking katulad ni Miro. Masarap samyuin ang natural na lalaking-lalaking amoy nito. Umungol lamang si Miro bilang tugon. Nagmulat siya ng mga mata. Agad din siyang pumikit nang masilaw siya sa liwanag. Pero bumangon na rin siya. “Miro, bakit hindi mo ako ginising? Ang taas na ng sikat ng araw!” bulalas niya. Nakapikit pa rin na nag-inat ito. Gusto niyang mapangiti sa tanawin. Napakaguwapo talaga nito, lalo na sa umaga at wala sa ayos ang buhok nito. Idinilat nito ang isang mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD