HINDI alam ni Margaux kung gaano kahabang oras ang lumipas ngunit naalimpungatan na lang siya nang dumampi sa mukha niya ang mainit na hangin na may mabangong amoy. Nagmulat siya ng mga mata. Tumambad sa paningin niya ang mukha ni Miro na ilang pulgada lang ang layo sa mukha niya habang nakatitig ito sa kanya. Patagilid na nakahiga ito, nakatukod ang isang kamay sa ulo nito. Nakatulog ba siya? Hindi niya namalayan ang pagsampa nito sa kama at paghiga sa tabi niya. “Naman! Hindi ka pa nahahagkan ng Prince Charming mo kaya hindi ka pa dapat gumising,” pumalatak na sabi nito. “N-nakatulog ba ako?” tanong niya. Hindi niya pinansin ang pagbibiro nito. Wala siya sa mood para patulan ang mga kalokohan nito dahil nagririgodon na naman ang puso niya. Ilang pulgada lamang ang layo nito sa kanya at

