“MIRO!” saway ni Margaux nang dumapo ang kanang palad ng binata sa hita niya. Nakasakay na sila nang mga sandaling iyon sa kotse nito at binabaybay na ang kalsada. “Sorry, naligaw ang kamay ko. `Yong kambiyo dapat ang hahawakan ko,” anitong may pilyong ngiti sa mga labi. Hinagilap niya ang isang pakete ng Cream-O na nasa dashboard at inihampas iyon dito. “Naligaw? Ang layo naman ng narating ng kamay mo! `Ayan lang ang kambiyo, o!” nanggagalaiting wika niya. Hindi kasi niya nagustuhan ang munting apoy na nilikha ng init ng kamay nito sa balat niya. Hindi naman talaga masasabing sa hita niya dumapo ang kamay nito kundi sa gawing tuhod niya. But just the same, it created sparks. “Inaantok nga kasi ako. Kung gusto mo, ikaw na muna ang mag-drive. Kapag inantok ka at naligaw rin ang kamay mo

