Chapter 8

1498 Words

NAPAILING na lang si Margaux nang makita niyang pinagkakaguluhan na naman ng kababaihan ang magkakaibigan. Animo superstars ang mga ito kung pakitunguhan sa eskuwelahan. Kunsabagay, kahit siya ay aminadong nagguguwapuhan ang mga ito, lalong-lalo na si Jared na sa tingin niya ay siyang pinakatahimik sa grupo. Sa maikling panahon na naobserbahan niya ito ay masasabi niyang may kanya-kanyang katangian ang bawat isa na nagpapalutang sa personalidad ng mga ito. Mula nang araw na nagpunta ang mga ito sa bahay niya ay parang kaibigan na rin ang turing ng mga ito sa kanya. Hindi maaaring hindi siya kakausapin o ngingitian ng mga ito tuwing makikita siya ng sino man sa magkakaibigan. Dumarami tuloy ang mga babaeng nakikipaglapit sa kanya para maipakilala diumano niya ang mga ito sa magkakaibigan. I

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD