Chapter 5

2867 Words

NAGPAKAWALA ng malalim na hininga si Miro bago ibinaba ang hawak na telescope. Naroroon sila ngayon sa ikapitong palapag ng Business Administration Building, sa isang bakanteng silid na naging tambayan na ng kanilang grupo. Mula roon ay tanaw ang halos kabuuan ng campus, lalo na ang bahaging madalas tambayan ni Margaux at ng kaibigan nito na napag-alaman niyang Clarice ang pangalan. “Hindi mo pa rin malapitan?” tanong ni Randall na noon ay kapapasok lang sa silid kasabay si Art. Si Pierro naman ay abala sa pagkalikot ng cell phone nito, si Mike ay naggigitara, at si Jared ay nakatutok na naman ang mga mata sa larawang nasa wallet nito. Nagkibit-balikat siya bago muling kinuha ang telescope at tinutukan ang mukhang hindi niya pagsasawaang titigan. Margaux had grown into a beautiful lady.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD