HINDI makapaniwala si Margaux sa bilis ng mga pangyayari. Balak niyang iwasan si Miro, pero hayun at halos magkayakap na silang nagsasayaw. Nagtataka at nagugulat siya sa halo-halong mga damdamin na binubuhay nito sa dibdib niya. Huminga siya nang malalim. Hinayaan na niya si Miro sa ginagawa nito. Ramdam na ramdam niya ang kakaibang init na hatid ng katawan nito sa ganoong posisyon nila. Pakiramdam din niya ay dumadagundong sa buong bulwagan pati ang pagtibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya rito. Mayamaya ay hinawakan nito ang kamay niya. “Come on, let’s go.” “What the—” Napamura siya nang hilahin siya nito sa kung saan. “Bitiwan mo nga ang kamay ko, Miro! Ano ba’ng ginagawa mo? Saan mo ako dadalhin?” nanggagalaiting tanong niya dahil halos mag

