Karina “WALA KA MAN lang pasalubong sa akin?” Hindi ako tumingin kay Jaime na sinamahan ako sa dressing room ko. Itinuloy ko ang pagbabasa kahit na medyo distracted ako. Pinakiramdaman ko rin ang aking sarili. Mabilis na bumangon ang iritasyon. Ito ang unang pagkakataon na nagkita kami ni Jaime mula nang bumalik ako. May guesting kami sa isang morning talkshow para pag-usapan ang tungkol sa pinakabago naming pelikula na magkasama. Bago ako umalis ay wrap na ang project na iyon. Dapat ay abala kami sa promotion pero ipinagpaliban dahil nga nagbakasyon ako. Patuloy naman ang pagiging aktibo ng social media ko na si Michelle ang may hawak. Bago ako umalis ay nagpondo muna kami ng mga pictures na ipo-post sa social medias bilang parte ng promotions. “What are you doing here?” ang aking t

