Adan “YOU LOOK LIKE you want to punch someone.” Napatingin ako kay Rianne na hindi ko namalayang nakapasok na sa loob ng aming hotel suite. Nakaupo ako sa malaking couch, hawak-hawak ang smartphone ni Aaron. Ang totoo ay kanina pa ako roon nakatitig. Nakatingin ako sa i********: ni Karina. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon na gawin iyon nang maiwan ni Aaron ang kanyang phone sa coffee table. Siyempre ay alam ko ang password niyon dahil karaniwan nang ginagamit ko ang phone niya. I opened Aaron’s i********:. It’s the most boring IG account. He doesn’t post much pictures of himself. He doesn’t really post. He just needs to have an account to keep up with current events. Kaagad kong ibinaba iyon at pinatay. What am I doing? May mga tao na sa suite na iyon

