Karina NAPATINGIN AKO KAY Michelle na nakadapa sa kama at nakabaon ang mukha sa isa sa mga unan. Kapagkuwan ay ibinaling ko ang paningin kay Joey na kinailangang ilapag ang hawak na brush dahil parang bibigay siya anumang sandali. Sinubukan ko talaga. Hindi ko lang napigilan. Noong una ay pilit lang kumawala ang ngiti sa aking mga labi. Hindi nagtagal ay napapahalakhak na ako. Sinamahan ako ni Joey. Hindi niya sinubukan na magpigil sa pagtawa. My makeup artist throws her head back and just roared. Michelle’s whole body is shaking in bed. Alam ko na naririnig kami ng mga taong kasama namin sa hotel suite kahit na pumuwesto kami sa maliit na silid. Naunahan daw ni Kaye si Michelle sa pag-secure ng master’s bedroom. Dahil ako ang babae, parang understood na sa staff na sa akin mapupunta a

