“HELLO?” Ikinagulat ko nang sagutin ni Rianne sa wakas ang kanyang phone. Kahapon ko pa siya sinusubukang tawagan. Nag-aalala na ako sa kanya. It’s not like her to be this quiet. Hindi ko alam kung nasaan talaga siya, kung totoong nasa probinsiya. Hindi rin alam ni Owen, ayon kay Aaron. Alam ng assistant pero ayaw namang sabihin sa akin. “Hello? Adan? May kailangan ka?” “No, no. I’m just calling to see if you’re okay.” “Of course I’m okay. Why won’t I be okay?” “Okay.” Kaagad kong napansin na may kung ano sa boses niya. She’s pissed but she’s trying to hide that. There’s also something that I can’t quite figure out. “Gusto ko lang siguruhin.” Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. “I heard about what happened from my assistant. Can you wait for a little while? I’m gonna save you

