Karina “PARANG ANG LALIM ng iniisip mo, beh.” “Ha?” Napatingin ako kay Joey na hindi ko namalayan na tapos na ang ginagawa sa aking mukha. Nasa isang dressing room ako, naghahanda para sa interview ko. Nginitian ako ni Joey. “Magiging maayos ang lahat. Huwag kang kabahan.” “Hindi ako kinakabahan. Nag-iisip lang ako.” Tumango-tango siya. Totoo naman ang sinabi ko. I’ve been doing this for a long time now. Kabisado ko na kung paano sasagot sa mga tanong. Kabisado ko na kung paano iiwasan ang mga tanong na hindi maaaring sagutin nang direkta. Pinag-iisipan ko lang ang kasalukuyan kong sitwasyon. Hindi nagtagal ay nasa loob na ako ng studio. Binati ko si Miss Kristy bago kami nagsimula. Nang sumalang na kami ay handa na ako. Nakabuo na ng desisyon. I am introduced. Nagkumustahan kami

