Karina INIABOT SA AKIN ni Michelle ang kanyang phone. Hindi ko iyon kinuha. Nasa cabin na ako at nakaupo sa malaking kama. It’s late pero hindi pa ako gaanong inaantok. Kauuwi ko lang mula sa taping. Dahil nga late na masyado, sa cabin ko na rin pinatulog si Michelle. Dapat ay sinusubukan kong matulog na dahil maaga ang call time ko kinabukasan. Parang puno lang ako ng enerhiya. “Hindi si Miss Anne ang tumatawag,” ang sabi ni Michelle. “Talaga?” Tumango si Michelle. “Sino?” Pilit niyang inilagay sa kamay ko ang phone. Tiningnan ko ang screen. Aaron. Iyon ang nakalagay na pangalan. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay Michelle. Nakangiting tumango siya. Kaagad kong sinagot ang tawag bago pa man maputol ang koneksiyon. “H-hello?” “Hi,” ang pagbati ng malamyos na tinig. Napa

