Adan “MAGLULUTO KA PA?” ang tanong ni Aaron nang mapansin na hindi ako dumeretso ng kuwarto pagpasok ko sa loob ng penthouse nang madaling-araw na iyon. Dumeretso ako ng kusina at inilabas ang ilang mga baunan mula sa refrigerator. “Kung nagugutom ka, I can find food for you. Hindi mo na kailangan pang magluto.” “No, it’s fine. Mabilis lang naman. I’m just gonna do breakfast burrito.” I love breakfast burritos kahit na hindi breakfast kaya naman nakahanda na ang mga ingredients na kailangan ko sa fridge. “Okay. Tulungan na kita.” Hindi ako tumanggi. Dahil nakahanda na ang mga kailangan ko, all I really have to do is heat them up and assemble. Kaagad napansin ni Aaron na hindi lang pangdalawahang tao ang inihahanda ko, pero wala siyang anumang sinabi. Ipinagpatuloy lang niya ang pag-sl

