Adan I WOKE UP feeling so good. Hindi nabura ang ngiti sa aking mga labi mula nang bumangon ako sa kama. I spent an hour and a half in the gym. Paglabas ko ng shower ay naramdaman kong may ibang tao sa loob ng penthouse. Abala si Aaron sa kanyang tablet paglabas ko ng kuwarto. Salubong na salubong ang kanyang mga kilay. My assistant looks tired. Mukhang hindi pa siya nakakatulog nang maayos. Nahuhulaan ko na kung bakit ganoon na lang ang estado niya. Kaagad akong nakadama ng awa at guilt. “I’m cooking. What are you in the mood for?” Tiningnan niya ako nang masama. “Chicken. You like chicken, right? I’ve defrosted some breasts before I worked out.” “There’s a war on the Internet, boss. Sa palagay ko ay hindi ako magkakaroon ng gana na kumain ng kahit na ano.” “I’m still cooking,” an

