Karina “I NEED TO USE the bathroom,” ang sabi ko kay Adan. “Let me show it to you,” ang kanyang tugon habang pinupunasan ang kamay gamit ang isang puting towel. “No, I’ll be fine. Ituro mo lang sa akin kung saang banda. Mahahanap ko naman.” “Sasamahan na kita. You can use the bathroom in the office. Mas malinis iyon. Aaron, `pag tumunog ang timer, take out the pizza.” Hindi na niya hinintay ang anumang tugon mula kay Aaron, hinawakan niya ang braso ko at banayad akong hinila patungo sa kung saan. Sa isang maliit na opisina nga kami humantong. Binuksan niya ang ilaw at isinara ang pinto. Hindi nakalampas sa akin ang click ng lock. Napatingin ako sa kanya. Pilyo na ang ngiti sa kanyang mga labi. He starts coming closer to me. Humakbang ako paatras, natatawa. “I really need to use th

